Saturday , July 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Angeline, nilait ng mga netizens!
Angeline, nilait ng mga netizens!

Angeline, nilait ng mga netizens!

Nairita ang mga netizen nang ibalandra raw sa social media ang napakaraming pagkain sa hapag kainan nina Angeline Quinto lalo na’t napakarami ang naghihirap at halos walang makain sa panahong may krisis.

 

Sumagot ang Kapamilya singer at sinabing wala raw siyang balak na magyabang sa kanyang kapwa.

“Naiintindihan po namin,” she asseverated. “Hindi po nawawala sa isip namin pasalamatan ang mga taong nagbigay rin sa akin.

“Hindi naman po siguro masama ‘yun.”

Idinagdag ng singer/actress na hindi rin daw niya nakakalimutang i-share ang ibang pagkaing kanyang natanggap.

“Opo marami pong pagkain ang nakikita ninyo sa post na ito, pero halos ang iba po riyan ay nailuto ko na po at naipamigay rin sa ibang mga pulis at security guards na halos beinte kuwatro oras na nagtatrabaho sa labas.

“Hindi ko naman na po kailangan sabihin ito, pero para rin po maintindihan ng bawat isa.”

Nice one Angeline. Mabuhay ka!

And with that, ito po ang Kuya Pete ninyo na nagsasabing, Christopher, my son, I love you very, very much, my love for you goes beyond eternity.
Adios. Mabalos. I always need you, Nhong!

BANAT!
ni Pete Ampoloquio, Jr.

About Pete Ampoloquio Jr.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top