Friday , June 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Money Heist mask ni Paolo, pinanggigilan ng anak
Money Heist mask ni Paolo, pinanggigilan ng anak

Money Heist mask ni Paolo, pinanggigilan ng anak

NAALIW ang netizens sa ipinost na picture ni Bubble Gang and All-Out Sundays star Paolo Contis sa kanyang Instagram post na nakasuot siya ng kakaibang mask bilang panangga sa Covid-19 habang karga ang very cute nitong anak na si baby Summer.

 

Ang mask kasi na gamit ni Paolo ay mask ng sikat na pintor na si Salvador Dali mula sa Spanish series na Money Heist.

 

Biro ni Paolo sa kanyang caption, “Anak, mag-banking and grocery lang ako! Don’t worry naka face mask naman ako! Ciao!”

 

Pinanggigilan naman ng followers ni Paolo ang nakatutuwang facial expression ni Summer sa mask na suot ng tatay nito.

 

“Ang cute talaga ni Summer! Iniisip niya siguro ano na naman kaya ang ginagawa nitong tao na to,” biro ng netizen na si Marilou Blaco.

 

Dagdagg pa ng netizens, nakatutuwa na nakakaya pa rin ng mga Filipino na humanap ng mga mumunting katuwaan sa kabila ng hirap na dulot ng COVID-19.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top