Saturday , April 27 2024

Thea, nagka-anxiety attack

NAGKAROON ng anxiety attacks ang Kapuso actress na si Thea Tolentino.

 

Ito ay dahil sa Covid-19 na patuloy na namumuksa sa buong mundo.

Nakausap namin sa pamamagitan ng e-mail si Thea na umamin sa kanyang pinagdaraanang takot sa Covid-19 pandemic.

 

“I had anxiety attacks!

 

“Pero naghanap ako ng paraan para kumalma. Ngayon ko rin nare-evaluate ang sarili ko. Nag-e-exercise ako for endorphins, nanonood ng  movies and TV series.”

 

Ano pa ang activities na ginawa niya para huwag mapraning habang nasa quarantine?

 

“I try to workout, magluto, pinu-push ko ang sarili ko na mag-aral ulit ng Japanese language, and makipag-bonding with my family.”

 

Paano niya pinangangalagaan ang sarili niya? Ang pamilya niya?

 

“Dahil delikado lumabas lalo na sa public places, naisip ko na time ito para kamustahin ang sarili ko and my relationship with my family. 

 

“Importante rin ang epekto ng quarantine sa mental health natin. So we make sure to check in on each other para malaman namin ang lagay ng isa’t isa dahil bihira rin ako makauwi sa Laguna.”

Taga-Calamba City sa Laguna si Thea pero sa mga panahon ng kaabalahan niya bilang Kapuso actress ay sa Quezon City muna siya nanirahan at hindi niya nakasama ng regular ang kanyang pamilya.

 

At ngayon nga na lahat ng tao ay nasa bahay lamang, muling tumibay ang bonding ni Thea at ng kanyang pamilya.  

 

“Umuwi ako sa Laguna. Kasama ko ang family ko sa bahay.”

 

“Mas nagiging okay ang relationship namin kasi ito ‘yung time na sama-sama ulit kami sa bahay, kompleto kami at nakakapag-kuwentuhan.”

 

Ano ang biggest realization niya sa mga nangyayari ngayon sa buong mundo?

 

“Dapat nating pahalagahan ang lahat ng nakapaligid sa atin. Ang environment, ang pamilya natin, mga kaibigan.

 

“At matutong respetuhin at hangaan ang ating frontliners na isinakripisyo ang kalusugan nila para lang matulungan at maprotektahan tayong lahat.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *