Thursday , June 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Live workout ng DOTSPh cast, sinabayan ng netizens
Live workout ng DOTSPh cast, sinabayan ng netizens

Live workout ng DOTSPh cast, sinabayan ng netizens

KAHIT hindi muna napapanood on-air ang Descendants of the Sun, good vibes pa rin ang hatid ng cast nito sa pangunguna ni Kapuso Primetime King Dingdong Dantes.

 

Sa Facebook at Instagram, binuo nila ang @dotsphofficial na nais magbigay ng, “hope, positivity, happiness, and inspiration during this time of Enhanced Community Quarantine in the country.” 

 

Isa sa activities nila ay ang Facebook Live na sabay-sabay nagwo-workout sina Dingdong, Rocco Nacino, Lucho Ayala, Jon Lucas, Carlo Gonzales, Neil Ryan Sese, at Ian Ignacio.

 

Hinikayat din nila na sabayan sila ng mga netizen at manood para manatiling fit and healthy laban sa banta ng Covid-19.

 

Pansamantalang umeere ang Encantadia gabi-gabi sa timeslot ng DOTSPh pagkatapos ng 24 Oras sa GMA Telebabad.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top