Thursday , June 4 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Jennylyn, ipinanawagan sa gobyerno — mas maraming test kits 
Jennylyn, ipinanawagan sa gobyerno — mas maraming test kits 

Jennylyn, ipinanawagan sa gobyerno — mas maraming test kits 

NAGBIGAY-SALOOBIN ang Descendants of the Sun star na si Jennylyn Mercado hinggil sa VIP testing para sa coronavirus disease  na kinakaharap ngayon ng ating bansa.

“Hindi po kami magsasawang uliting sabihin na sana dumami na ang mga test kit na ipamamahagi ng ating gobyerno sa medical community para mas maraming ma-test na nangangailangan nito,” lahad ng Ultimate Star.

 

Panawagan pa ni Jennylyn na sumunod sa guidelines ng Covid-19 testing na prioridad ang mga taong may sintomas ng virus at hindi ang mga VIP na ginagamit ang kanilang kapangyarihan para sa kanilang sariling kapakananan.

 

Paalala niya, “At habang limited pa ito, lahat sana ay sundin ang guidelines. No one is exempted. Pantay-pantay po tayo. Muli po naming pinapaala roon sa mga taong may power o pribelehiyo na maging “VIP” na ‘wag ninyo unahin ang inyong pampersonal na interes.”

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top