Friday , June 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sunshine, naipagluluto ng mga pagkaing request ang mga anak (habang naka-ECQ)
Sunshine, naipagluluto ng mga pagkaing request ang mga anak (habang naka-ECQ)

Sunshine, naipagluluto ng mga pagkaing request ang mga anak (habang naka-ECQ)

ISA si Sunshine Cruz sa co-star ni Cristopher de Leon sa seryeng Love Thy Woman ng ABS-CBN 2. At dahil nagpositibo ang aktor sa Covid-19, na ngayon ay magaling na at nakalabas na ng hospital, nagself-quarantine si Shine.

 

“We ara all okey naman. Self-quarantine lahat. Nag-a-assist ang ABS-CBN. We had a conference call pa with the ABS bosses and Dr. Susan Mercado. So far, so good,” sabi ni Shine sa interview sa kanya ng Push.com.

 

Wala ring nararamdaman si Shine ng kahit anong sintomas ng pagkakaroon ng nakakahawa at nakamamatay na sakit.

“Almost two weeks na rin po the last time I was exposed to kuya Boyet and so far, no symptoms. Pinalalakas ko na lang ang katawan ko by sleeping well, eating healthy food, and pinalalakas ang immune systerm pati mga bata. And of course kailangan ng dasal not just for us pero para sa mga mahal natin sa buhay. Kailangan lakasan ang faith, lalo na po ngayon.”

 

Habang naka-self quarantine, ang ginagawa ni Shine ay nanonood ng mga lumang pelikula at bonding at luto sa kanyang tatlong anak na babae.

“Nagluluto ako kung ano ang request nila. Mga bagay na ‘di ko madalas nagagawa noon dahil busy sa work, nagagawa ko for them now.”

MA at PA
ni Rommel Placente

 

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top