Monday , July 7 2025

Gown designer Michael Leyva, nagpatulong kay Angel sa pamamahagi ng PPEs

PUWEDENG mag-feeling ramp model o celebrity ang mga frontliner at mapapalad na makatatanggap ng face masks at mga kasuotang pang-iwas na madampian ng corona virus na idinisenyo ni Michael Leyva, isa sa mga sikat na designer-to-the-stars dito sa bansa.

‘Di lang idinisenyo ni Michael ang mga ido-donate n’yang personal protective equipment (PPEs). Pati ang tumahi ng mga ito ay ang mga tauhan n’yang nananahi ng mga gown ng mga celebrity na gaya nina Anne Curtis, Bea Alonzo, Charo Santos, Nadine Lustre, at Kris Aquino. Naitanghal na rin ang mga disenyo n’yang gown sa Russia at sa iba pang bansa.

Pahayag ni Michael sa Instagram n’ya kamakailan: “We are one with this. #teammichaelleyva will be donating PPEs, head covers and masks for our heroes #frontliners. 

“Mabuhay po kayo at salamat sa dedikasyon at pagmamahal sa ating bayan. This wouldn’t have been possible without my team’s dedication and willingness to help.”

Kalakip ng Instagram n’ya ang ilang litrato ng mga mananahi sa kanyang patahian na abala sa paggawa ng PPEs. ‘Di n’ya binanggit kung nasaang lugar ang malaking patahiang iyon.

Samantala, nagpatulong naman siya kay Angel Locsin  sa pamamahagi ng ginawa niyang PPEs sa mga medical worker. Nakalagay iyon sa isang bag na mayroong Bible verse..

Ani Leyva, “Sent over our first sets of PPEs for our heroes frontliners with our hero Darna herself Angel Locsin. I decided to put bible verses and words of encouragement to uplift their day. Mabuhay po kayo and Maraming salamat po sa malasakit.”

Bago namahagi si Leyva, marami-rami na rin namang fashion designers ang nag-donate ng PPEs para sa COVID-19 frontliners sa bansa. Kabilang sa mga ito sina Mich Dulce, Steph Lim, Patrice Ramos Diaz, Rajo Laurel, Patty Ang, at Puey Quinones. 

Maging ang beauty doctor na si Vicki Belo ay nakapagpadala na rin ng PPEs sa mga ospital at sa mga pulis na nakatoka sa mga checkpoint sa Luzon.

Sabay sa pagdo-donate nila ay ang pagpapapaalala sa mga mamamayan na maging maingat, alagaan ang kanilang mga sarili at mga mahal sa buhay, sundin ang lahat ng instruksiyon ng health authorities (lalo na ang pananatili sa loob ng bahay kundi naman kailangang lumabas), pati na ang patuloy na pananalig sa proteksiyon ng Diyos.

Nawa’y dumami pa ang fashion designers na magboboluntaryong gumawa ng libo-libo pang PPEs habang ‘di pa nasasawata ang bilang ng pasyente ng COVID-19 sa bansa.

KITANG-KITA KO
ni Danny Vibas

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Danny Vibas

Check Also

Anne Curtis

Anne nanggigil sa basher, ini-report sa X

MA at PAni Rommel Placente PINATULAN ni Anne Curtis ang komento ng isang netizen tungkol sa pagkapanalo …

Gretchen Barretto Atong Ang Sunshine Cruz

Greta isinasangkot sa mga sabungero, Sunshine at Atong hiwalay na?

I-FLEXni Jun Nardo SHOCKING sa showbiz world ang pagkakasangkot umano ni Gretchen Barretto na missing sabungeros. Itinuro …

Dustin Yu Bianca de Vera

Bianca iginiit wala silang relasyon ni Dustin 

I-FLEXni Jun Nardo GETTING to know each other stage sina PBB Collab Duo Dustin Yu at Bianca de Vera. …

KitKat

Kitkat may pinagdaraanan? Iginiit sarili ‘wag kalimutan 

HARD TALKni Pilar Mateo MAY alingasngas. Dahil din naman sa mga cryptic messages niya on …

Rey PJ Abellana Smile 360

Rey ‘ngiti’ ang isinagot sa mga kinakaharap na usapin

HARD TALKni Pilar Mateo ISA sa mga endorser ng muling ipinakilalang dental clinic sa madla …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *