Friday , June 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / American actor/singer songwriter, Jared Leto bagong inspirasyon ni Angelica?
American actor/singer songwriter, Jared Leto bagong inspirasyon ni Angelica?

American actor/singer songwriter, Jared Leto bagong inspirasyon ni Angelica?

MUKHANG in-love na ulit si Angelica Panganiban. May bago na ba siyang inspirasyon?

May ipinost kasi siyang picture sa kanyang Instagram account nitong Monday, na nakatalikod siya at may kasamang isang lalaki na nakatalikod din habang nakatanaw sa ibaba ng isang gusali. Ito ay ang Burj Khalifa, ang tallest structure sa mundo sa taas na mahigit 2,700 feet.

Ang caption ng ex ni Carlo Aquino sa picture ay, “At the top (smiling cat with heart eyes emoji) kakamiss!!!”

Hindi iti-nag ni Angelica ang lalaking kasama sa picture. Siguro para hindi makilala ang identity. Pero hindi kaya ito ay si Jared Leto, na ka-video-chat ni Angelica?

May napanood kasi kaming video na kausap niya si  Jared. Nagpakilala siya rito bilang isang artista.

Nagkita kaya sila sa Dubai nang mag-shoot siya roon ng movie with Coco Martin?

Sa google ay makikila si Jared bilang isang American actor at singer-songwriter. Gumanap na transgender woman sa Dallas Buyers Club (2013) na nagwaging Best Supporting Actor sa Academy Award, Golden Globe Awards, at Screen Actors Guild Award. Lead vocalist siya ng bandang Thirty Seconds To Mars.

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top