Friday , April 26 2024
Aiko Melendez Jay Khonghun
Aiko Melendez Jay Khonghun

Aiko sa mga tumuligsa sa pagpuri niya kay VG Jay Khonghun– Pupurihin ko kung sino ang gusto ko

IKINAGALIT ni Aiko Melendez ang negatibong reaksiyon ng ilang netizen hinggil sa post niya na pinupuri niya ang Zambales dahil zero Covid-19 pa rin ito hanggang ngayon.

Ayon sa unang post ni Aiko tungkol sa kawalan ng kaso ng mapamuksang sakit sa Zambales, “Alam ninyo kung bakit? Kasi may disiplina at coordination ang mga namamahala at mga residente nila. Sana makuha natin ang ganitong kaugalian ng mga Zambalenos.

“Marunong sumunod at ‘di katigasan ang ulo.

“Flex ko lang, hindi porke’t partner ko ang Vice Governor ninyo kaya ko ito sinasabi. Roon tayo sa totoo. Ngayon din ang panahon na hindi lang sa Pasig may masipag at maasahan na namamahala kundi sa Zambales din.

“Tap on the back, VG Jay Khonghun! Kasi alam ko lahat ng hakbang na ginagawa mo para makatulong. Pati na sa pamilyang Khonghun na mula sa kanilang Congressman hanggang sa Mayor at Vice-governor nananatiling bukas ang kani-kanilang tanggapan para maghatid ng tulong.”

Dahil sa post ng aktres, may mga namintas na bakit kailangang purihin ni Aiko ang naturang lugar na Vice-Governor ang kasintahan ng aktres na si Jhay Khonghun.

Hindi ito ikinatuwa ng aktres na naglabas ng kanyang saloobin sa kanyang Facebook account.

“Ito ang kulang sa ibang may social media na hindi nakaiintindi ng malinaw na post at may kanya-kanyang interpretation sa post ng bawat isa. Sabi bakit ko raw pinupuri ang partner ko na si VG Jay Khonghun. Bakit naman hindi? Hindi naman porke’t partner ko isu-sugar coat ko pagtulong niya. Eh ‘yun ang nakikita ko sa Zambales, eh. Taga-QC ako bawal ba na purihin ang isang taong may nagagawa? Eh kayo nga ang dami-dami ninyong nasasabi kung kani-kanino na politiko now kahit hindi kayo taga-Pasig. Why? Kasi me nagagawa talaga si Mayor Vico Sotto and it is my right to commend him sa actions niya just like the way I would praise Mayor Isko Moreno.

“I am looking from the other perspective here and I’m not speaking as the GF of the Vice-governor. I am speaking based on my observations. Bakit hindi ninyo na lang tanungin mismo ang mga taga-Zambales kung paano ang mga Khonghuns, para kayo mismo ang pumuri sa kanila.

“Huwag kasi masyado inggitero! Walang mali sa post ko kaya wala akong dapat itama. Pupurihin ko kung sino ang gusto ko at hindi rin ako sasang-ayon sa mga nakikita kong mali. Kapag nagkamali si VG Jay Khonghun ako mismo ang pupuna sa kanya, huwag kayo mag-alala.

“Roon lang tayo sa totoo. Sabi nila matapang ako, oo matapang ako sa tama. Pero ‘pag ako naman ay nagkamali aamin naman ako at hihingi ng dispensa. Pero for now this is my page I own this page I can say whatever I feel like saying. Whether you agree with me on this or not.”

May isa pang panawagan si Aiko, “Sa mga kaibigan ko na medyo nakaluluwag lalo na ‘yung may restaurants sana mag-share po tayo para sa mga frontliner po natin. Nauna na po ang Hounds and Grounds sa Caloocan po sana marami pang sumunod kahit sa ibang areas po.  

“God bless your beautiful hearts.”

May paalala rin si Aiko sa lahat.

“Sa mga kaibigan ko po sa Facebook puwede ba akong makiusap na iwasan po muna nating mag-post ng pictures ng masasarap na pagkain po, para lang po pakikiisa natin sa mga taong wala pong makain at hikahos po.

“Ipagdasal din natin na sana po matapos na ang krisis na ito. Pakiusap ko lang po ito sana. Kasi hindi po lahat ay nakakakain ng masasarap like us. Salamat in advance. Naaawa lang ako sa mga kapos po.”

Sa kabilang banda, kahit pansamantalang hindi umeere ang Prima Donnas sa GMA na si Aiko ang lead contravida ay muli namang napapanood ang Wildflower sa ABS-CBN at si Aiko rin ang contravida na buong-husay niyang nagagampanan.

Nagwagi pa nga si Aiko bilang Best Supporting Actress para sa naturang role sa 31st Star Awards for Television ng PMPC na ginanap noong November 12, 2017.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Check Also

Jerome Ponce Krissha Viaje SemBreak

Jerome af Krissha nag-level up ang relasyon

SA pagsisimula ng Sem Break series sa Viva TV, masusubukan ang sinasabi ni Jerome Ponce na nag-level up na nga …

Kim Chiu Paulo Avelino Kylie Verzosa 2

Halikan nina Paulo at Kylie ikaseselos ni Kim

PUSH NA’YANni Ambet Nabus MAY kemistri naman sina Paulo Avelino at Kylie Verzosa as proven by their latest starrer …

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *