Saturday , April 27 2024

Sa kabila ng masalimuot na Metro Manila ‘community quarantine’… Luzon-wide ‘lockdown’ idineklara ni Duterte

ISINAILALIM ni Pangulong Rodrigo Duterte sa ‘lockdown’ ang buong Luzon sa layuning makontrol ang pagkalat ng coronavirus disease (COVID-19) sa buong kapuluan.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, ang kahulugan ng Luzon-wide lockdown o enhanced community quarantine, lahat ng tao ay kailangang nasa loob ng kanilang bahay.

Ang deklarasyon ng Pangulo ay ginawa, sa panahon na mainit na pinag-uusapan ang maha­bang oras na pagkakabinbin ng mga pasahero at motorista, sa checkpoints na inilagay sa bounadaries ng Metro Manila dahil sa iilang health workers na nag­sasagawa ng thermal scanning at law enforcers na nagrerekorida sa dokumento ng mama­mayan.

“It means we will have to stay at home. Work will be suspended. There is suspension of work… The general rule is there is suspension of work,” ani Panelo.

Batay sa memo­randum na inilabas ng Palasyo kaugnay sa NCR lockdown, ang enhanced community lockdwon ay suspendido ang mass transportation o walang puwedeng magbiyahe maliban sa “frontline health workers, authorized government officials, medical or humanitarian reasons as well as transport of basic services and necessities.”

Ayon kay Panelo, ihahatid ang pagkain at batayang panganga­ilangan sa mga bahay na pangangasiwaan ng lokal na pamahalaan.

“Provision for food and essential services shall be regulated – the respective LGUs will have to create a system where food and essential needs will be delivered to the homes of the communities,” ani Panelo.

Madaragdagan din ang ipakakalat na puwer­sa ng militar at pulisya upang matiyak na susu­nod ang mga mamama­yan.

Matatandaan, itinaas ng Pangulo sa pinaka­mataas na public health alert sa Code Red Sublevel-2 noong naka­lipas na Huwebes, 12 Marso.

Sinuspendi ang mga klase sa lahat ng antas sa Metro Manila hanggang 14 Abril 2020 maging ang pasok sa gobyerno sa sangay ng ehekutibo at skeletal force lamang ang magmamantina ng operasyon ng iba’t ibang tanggapan ng pamaha­laan.

Sinabi ng Pangulo na malaking dagok sa ekonomiya ng bansa ang patuloy na pagkalat ng COVID-19 kaya ang panawagan niya sa malalaking negosyante, ibigay ang 13th month pay ng kanilang mga emple­yado o ang kalahati ng kanilang suweldo kahit hindi sila nakapag­tatra­baho sanhi ng Luzon-wide lockdown.

Paliwanag niya, bale­wala ang pagsusumikap na kontrolin ang pag­laganap ng COVID-19 kung naglalabas pasok sa Metro Manila araw-araw ang mga obrero na naka­tira sa mga karatig lala­wigan kaya’t nagpasya siyang ipatigil pansa­mantala ang trabaho sa public at private sector hanggang 12 Abril 2020.

Inatasan niya si Department of Social Welfare and Development (DSWD) Secretary Rodolfo Bautista na mag-ikot sa mga pamayanan upang alamin sa mga barangay chairman kung sino sa kanilang constituents ang nagugu­tom at rarasyonan sila ng pagkain ng pamahalaan.

Giit ng Pangulo, responsibilidad ng mga punong barangay na atupagin ang panganga­ilangan ng kanilang pamayanan at kung hindi nila gagawin ito ay kakasuhan sila ng Palasyo.

“Ito namang food, si Rolly will have to go around iyong mga ano siguro, Rol, you utilize all vehicles of government available, just go around and maybe asking if there is somebody starving or in need of food. What I would like to assure you, ang ano dito is: saan kami kukuha ng pagkain ‘pag hindi kami lumalabas?

“Now it behooves upon the barangay captain. Itong mga barangay captain makinig kayo, this is a mandatory duty, it does not have to have a law because the proclamation itself suggests that there is really a need for you to work with government. And if you violate this, then you can be liable for dereliction of duty or other [regulatory?] measures which you are supposed to do and do not do it and then you violate a law,” tagubilin ng Pangulo.

“The barangay captains should call a  number  and at least food, rice and some ano ‘yung ulam puwede ninyong ibigay sana para sa ating mga kababayan,” dag­dag ng Pangulo.

Inutusan niya ang Department of Budget and Management (DBM) at Department of Health (DOH) na bigyan ng dagdag na kompen­sasyon ang health workers.

ni ROSE NOVENARIO

About Rose Novenario

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *