Wednesday , June 3 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Sa unang araw ng community quarantine… Checkpoints inilatag ng NCRPO
Sa unang araw ng community quarantine… Checkpoints inilatag ng NCRPO

Sa unang araw ng community quarantine… Checkpoints inilatag ng NCRPO

INILATAG ang mahigpit seguridad sa checkpoints at control points ng National Capital Region Police Office (NCRPO) kasama ang nasasakupan ng Southern Police District (SPD), epek­tibo na kahapon ang com­munity quarantine sa buong Metro Manila.

Sinabi ng tagapagsalita ng SPD na si P/Major Jaybee Bayani, nasa kabuuang 5 checkpoints at 13 control points ang nakalatag sa katimugang bahagi ng Metro Manila upang tiyakin ang implementasyon ng Depart­ment of Transportation (DOTr) guidelines para makontrol ang pagkalat ng coronavirus Disease (COVID-19) sa kasagsagan ng community quarantine period.

May checkpoints sa Susana Heights sa Muntin­lupa City; Daang Hari at Zapote Road sa Las Piñas City; Roxas Boulevard sa panulukan ng MIA Road; at Macapagal Boulevard sa panulukan ng Pacific Avenue sa Parañaque City; at PEA Tollway Corporation o CAVITEX sa nasabing lungsod.

Mahigpit na binaban­tayan ng mga pulis ang mga hangganan kaya inilatag ang control points sa iba’t ibang lugar sa SPD kabilang ang River Drive, BFRV, Barangay Talon Dos, Las Piñas City, at Marcos Alvarez Avenue, Bgy.Talon Singko sa nasabing lungsod na nasa Las Piñas at Cavite boundary.

Sa Muntinlupa City, sa Bgy. Tunasan, San Pedro Boundary; Sucat Inter­change East Service  Road; Sucat Interchange West Service Road; Filinvest Exit; at Sucat Bridge, Taguig-Muntinlupa Boundary.

Habang sa Parañaque City ay sa panulukan ng Kaingin at Multinational Avenue; Bicutan Inter­change malapit sa SM Bicutan na magmumula sa Pasay City; Victor Medina Avenue (Kabihasnan); C-5 Extension Roa boundary ng Las Piñas City at Parañaque City; Sucat Interchange na manggagaling mula sa Alabang, Muntinlupa City; at C-5 Extension Southlink (Merville).

Ipinakalat ang 400 pulis at ipinoste sa mga check­points at control points.

Sakop ng SPD ang Pasay City, Makati City, Parañaque City, Las Piñas City, Muntinlupa City, Taguig City at munisipalidad ng Pateros. (JAJA GARCIA)

 

 

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top