Saturday , July 11 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Coco Martin, sobra ang hands-on sa Ang Probinsyano
Coco Martin, sobra ang hands-on sa Ang Probinsyano

Coco Martin, sobra ang hands-on sa Ang Probinsyano

TODO at as in grabeng mag-hands-on si Coco Martin sa pagbuo ng bawat episode ng kanyang FPJ’s Ang Probinsyano.

Ayon sa nakakita sa actor, talagang napakaraming trabaho ang ginagawa ng actor para mapaganda nang husto ang action-serye.

Kaya kung mababalitaan man siyang mainitin ang ulo sa set ay inaasahan na ‘yun sa katulad niya na stress-to-the-max ang dinadala kapag nakatayo na sa likod ng kamera bilang direktor.

Kailangan din ang tuloy-tuloy na pag-andar ng kanyang pag-iisip para sa mga bagong eksenang gagamitin.

Dagdag pa rito ‘yung siya rin mismo ang gumagawa ng mga blocking ng mga eksena.

“I feel na parang, siguro, ‘yung sobra niyang talagang pagmamahal sa ‘Ang Probinsyano’ sa four years na iyon, ayaw niyang basta na lang mawala o basta na lang mawalan ng saysay ‘yung paghihirap nila sa apat na taon,” pahayag ng aming kausap.

STARNEWS UPLOAD
ni Alex Datu

 

About Alex Datu

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top