Saturday , April 20 2024

Malisyosong post ni Mocha ukol kay Coco, inalmahan ng netizens

MALISYOSO at hindi nagustuhan ng netizens ang pagkaka-post ni Mocha Uson sa kanyang blog ng video/picture nina Coco Martin at Vice Ganda na may caption niyang, “Tulad ng salitang disente, mukhang nagbago na rin ang ibig sabihin ng, ‘in the service of the Filipino’ or Baka naman serbis?”

Umarya na naman si Mocha sa mga walang katuturan niyang post/blog. O gusto rin ba niyang mapansin siya ni Coco para makapag-guest din sa FPJ’s Ang Probinsyano?

Hindi namin maintindihan kung bakit si Coco ang pinupuntirya ng grupo  ni Mocha. Dahil ba nakatitiyak silang mabilis na mapag-uusapan dahil sikat si Coco kaya tiyak na mapapansin sila?

Nakakaloka na Mocha ha, imbes na magtrabaho ka para hindi naman masayang ang ipinasusuweldo sa iyo, heto’t kung ano-ano pa ang naiisip mong ilagay sa iyong blog.

At teka tila may gustong ipakahulugan si Mocha sa post niyang ito ha. Ang tinutukoy bang serbis ni Mocha eh ‘yung pelikulang ginawa ni Coco noong 2008, isang indie film na ang title rin eh, Serbis. Ito’y ukol sa struggling family (with Gina Pareno at Jaclyn Jose) na nagmamay-ari ng Filipino porn theater na roon ginagawa ang prostitutes business.

Alma ng netizen, ipinagtatanggol nila noon si Mocha sa mga nangungutya sa kanya sa pagpapaseksing ginawa dahil naniniwala silang parte lamang iyon ng pagiging singer o miyembro ng Mocha Girls. Kaya tanong nila, bakit ngayo’y tila si Coco naman ang binabastos niya?

Ani @ifyouseekkae,

“T….. Mocha, She’s now implicitly shaming Coco Martin for a sex-themed indie movie (that’s award-winning at that) when Mocha was literally giving mediocre kain pepe and blowjob tutorials before????

Sabi pa ni @nawawalost

“Hoy, @MochaUson. We were defending you against people who slut shame you for being sex positive, ‘cause that has nothing to do with you being the fake news queen. But here you go attacking another party for something explicit. Tanginang kapal ng mukha amputa. https://twitter.com/ifyouseekkae/status/1231767623026839553 …

Ipinaalala rin ng netizens kay Mocha kung paanong siya’y mayroon ding sexy image at gumagawa ng mga ‘di kaiga-igayang videos.   

“@peachslapped_

wow mocha is shaming coco martin for starring in an indie film with strong sexual content

….coming from you sis?”

May isang netizen naman ang nagsabi na bagamat sexy ang pelikulang Serbis ni Coco, critically acclaimed naman ito. @MarkMen2000

All of Coco Martin’s sexy or bold movies were critically acclaimed. Artistic at di malaswa. Unlike Mocha’s movies… puro kamanyakan.”

@amazingrayzzee

Coco was just playing a role in that movie while this low-life called Mocha is doing this serbis for a living, just to secure a government post. She’s just a notch above an escort girl.”

Nakasama ang Serbis sa Palme d’Or bilang main competition at sa 2008 Cannes Film Festival. Ito rin ang kauna-unahang Filipino film na nakipag-compete sa main competition sa Cannes matapos ang kay Lino Brocka’s Bayan Ko: Kapit sa Patalim noong 1984.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

 

 

 

About Maricris Valdez Nicasio

Check Also

Gary Valenciano Star Magic ABS-CBN

Gary V handang umarteng muli sa harap ng kamera, bahagi na ng Star Magic family 

SHOWBIZ KONEKni Maricris Valdez Nicasio PANIBAGONG career milestone ang naitala ng pambansang Mr. Pure Energy …

Beaver Magtalas Rico Yan

Beaver Magtalas mala Rico Yan ang dating

MATABILni John Fontanilla KAMUKHA ng yumaong aktor na si  Rico Yan ang baguhang aktor na si Beaver Magtalas na …

Ivana Alawi

Ivana Alawi gumastos ng milyones para sa lalaki

MATABILni John Fontanilla NABIGLA ang publiko nang aminin ni Ivana Alawi sa kanyang pamilya at sa publiko …

Dennis Padilla Aster Amoyo

Dennis ibinilin sa mga anak: magtulungan

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ng komedyanteng si Dennis Padilla sa vlog ni Aster Amoyo na TicTALK with …

Janno Gibbs Manilyn Reynes Keempee de Leon

Manilyn pinaka-memorable na ka-loveteam si Janno

MA at PAni Rommel Placente SA guesting ni Manilyn Reynes sa Updated with Nelson Canlas, tinanong siya kung …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *