Friday , April 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo’s grooming must is having that fresh look and feel
Arjo’s grooming must is having that fresh look and feel

Arjo’s grooming must is having that fresh look and feel

Samantala, metikuloso sa kalinisan ng katawan si Arjo kaya naman ibinahagi niya ang ilang personal grooming must haves at essentials sa opisyal na mainstream launch ng pinakabagong line of products ng Beautéderm, ang Spruce & Dash.

Ang Spruce & Dash ng Beautéderm ay isang patented line ng amazing products na ginawa para sa mga kalalakihan. Ang tagumpay ng mga produkto ng Beautéderm sa mekado, na lahat ay consistent Superbrands award recipients, ang nagsimula sa creative idea ng Spruce & Dash men’s line na siya namang naisip ng President at CEO ng Beautéderm na si Rhea Anicoche-Tan.

Lahat ng mga produkto sa ilalim ng Spruce & Dash men’s line ay FDA Notified at kinabibilangan ito ng limang essential products na kailangan ng mga kalalakihan para sa kanilang pang-araw-araw na grooming. Nilkha ni Tan ang pangalan ng koleksiyon base sa basic na kahulugan ng spruce bilang “neat in dress or appearance” at dash bilang “impetuous with flamboyant vigor and confidence.”

Ang mga produkto ng Spruce & Dash ay ang Beau Charcoal Soap; Hugh Shaving Cream; Brawn Anti-perspirant White Spray for both foot and underarms; Charcoal Charmer Detoxifying Peel-off Mask; at Lad Hair Pomade.

Matapos magpamalas ng isang powerhouse performance sa primetime action-drama series ng ABS-CBN na The General’s Daughter noong nakaraang taon na binigyang buhay ang papel ni Elai at sa current breathtaking role sa limited mini-series na 24/7, kinikilala si Arjo bilang isa sa pinaka-versatile at mahusay na dramatic actor sa industriya ngayon. Ang talento ni Arjo bilang aktor at ang kanyang kaguwapuhan ang dahilan kung bakit isa siyang force of nature sa Philippine Entertainment Industry at proud siyang i-credit ito sa Spruce & Dash collection ng Beautéderm para sa kanyang youthful glow.

Fan ako ng Charcoal Soap ng Spruce & Dash as it keeps me fresh and smelling good after a long day of work,” sabi ni Arjo. “May mga shoot ako outdoors sa ilalim ng araw and it can’t be avoided for me to sweat and perspire under such conditions. Pero Salamat sa Beau I can shower and freshen up my body in an instant. Ginagamit ko rin ang Hugh Shaving Cream to give myself a clean and smooth shave every day.”

Ipinaliwanag naman ni Tan na ang Spruce & Dash collection ng Beautéderm ay bahagi ng on-going at agresibong efforts ng kompanya na i-develop at i-expand ang mga produkto upang lalong masebisyuhan ang mga pangangailangan ng mga loyal user nito ‘di lamang dito sa Philippines ngunit sa iba’t ibang panig ng munda na rin.

Beautéderm is celebrating so many milestones. We recently celebrated our 10th anniversary, our family which includes brand ambassadors, resellers, distributors, and users is growing stronger, and we hit our 100 physical store mark which we set last year,” sabi ni Tan.

Isa na namang innovation ang Spruce & Dash na proud akong na-conceptualize at na-develop sa tulong ng aking fabulous team. Isn’t it nice to encounter and see a man who takes care of himself? A man who is always fresh and smells good? Spruce & Dash is now here to make every man well-groomed and dashing.”

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top