Friday , April 10 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Arjo, ipinagtanggol si Coco — It’s for fun, I don’t get the issue
Arjo, ipinagtanggol si Coco — It’s for fun, I don’t get the issue

Arjo, ipinagtanggol si Coco — It’s for fun, I don’t get the issue

IPINAGTANGGOL ni Arjo Atayde si Coco Martin ukol sa pambubuhos ng tubig sa ilang staff ng FPJ’s Ang Probinsyano. Matagal  naging bahagi ang binata ni Sylvia Sanchez sa action serye kaya masasabing kilala na niya si Coco.

Sa Beautederm Spruce & Dash launching noong Martes, natanong dito si Arjo.

Ani Arjo, na-witness niya ang ganoong eksena, pero, “Yeah! But it’s for fun, so I don’t get the issue,” pagtatangol nito.

Eh kasama ba siya sa mga nabuhusan ni Direk Coco?

Sagot ni Arjo, “Hindi naman po ako kasama but I witnessed it. It’s for fun.”

Giit pa ni Arjo, wala itong issue (pambubuhos ng tubig) sa mga katrabaho ni Coco, “Because these were people he’s been working with for years. Kung ano ‘yung team ni Coco from ‘Juan dela Cruz,’ binuhat niya all the way to ‘Probinsyano.’

“So they already have a certain working relationship that everyone who went to ‘Probinsyano’ can attest to it.

“I don’t wanna have issues with anyone, you know but I’m just saying, I’ve witnessed it and I’m speaking of what I actually experienced, it’s for fun, it’s nothing, it’s a joke,” pagtatanggol pa ni Arjo.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top