Wednesday , June 3 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Rosanna at John may reunion movie, actress balik sa top-rating drama series na “Pamilya Ko”
Rosanna at John may reunion movie, actress balik sa top-rating drama series na “Pamilya Ko”

Rosanna at John may reunion movie, actress balik sa top-rating drama series na “Pamilya Ko”

Bukod sa pagiging actress ay kilalang negosyante si Rosanna Roces na may investment na farm at detailing o carwash shop. Pero dahil hindi niya personal na naasikaso ang nabanggit na negosyo ay minabuti na lang na isara ito ni Osang at kung susugal pa siya uli sa business, ay oo naman daw lalo’t may katuwang na siya sa buhay ngayon ang kanyang partner at handler na si Blessy Arias na kung tawagin ni Osang ay Boy George.

Samantala this week, ay magbabalik na ang character ng mahusay na actress sa popular nilang drama TV series na “Pamilya Ko” at new look na Elena si Rosanna sa kanilang serye na sabi nga niya ay marami pa raw pasabog ang character niya.

Dalawang movies rin ang gagawin niya, ‘yung life story ng healing priest na si Father Fernando Suarez na “Healing” ay tapos na niyang gagawin.

Bale mother si Osang ng isa sa batang na-corrupt na si Jairus Aquino, na nag-akusa ng sexual harrasment sa namayapang si Father Suarez.

Nakatakda siyang mag-shooting ng Panti Sisters 2 sa buwan ng Marso. Kahit madalian lang ang shooting ni Rosanna sa Healing, ay happy siya at nagkatrabaho sila uli ni John Arcilla na leading man niya noon sa blockbuster movie niyang “Ligaya Ang Itawag Mo Sa Akin” at si Jairus na kasama niya sa Pamilya Ko.

Si Joven Tan ang director nila sa Healing.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top