Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Bulabugin / Sex trade hindi uubra kay Mayor Abby Binay. How about Parañaque?
Sex trade hindi uubra kay Mayor Abby Binay. How about Parañaque?

Sex trade hindi uubra kay Mayor Abby Binay. How about Parañaque?

BILIB tayo kay Makati city mayor Abby Binay. Sabi nga ng mga batang dekada ’70, “bebot pero may balls.”

Aba, mantakin n’yo ba namang mula nang ideklara niyang ‘walang puwang ang sex trade o prostitusyon sa Makati ‘e sunod-sunod na ipinasara ng Bureau of Permits and Licensing Office (BPLO) ang 16 establishments dahil sa iba’t ibang paglabag kabilang ang apat na sinasabing front ng prostitusyon.             

Ipinasara ang 88 Hotel at ang Master Han Reflexology Spa, sa Barangay Poblacion, dahil nagsisilbi umanong sex den.

Ang AGBL Wellness Spa sa Poblacion at Pentagon SPA sa Bangkal ay na-padlocked. Ang iba sa kanilang attendants ay naaresto dahil sa pag-aalok ng “extra service” sa spa customers at ang matindi nangingikil pa sa kanilang foreign customers.

Nitong nakaraang Sabado, nasagip ng Makati police ang sinabing 24 sex workers sa Edison Cafe, isang computer shop sa Barangay San Isidro.

Mantakin ninyo, kailangan pang maging isang babae ang mayor sa Makati para mapasadahan ang sikat na ‘Edison’ kung sex den ang pag-uusapan?!

Sabi nga, bata pa si Sabel, ang ‘Edison’ ay sikat nang pugad ng mga ‘casa’ o sex dens.

Sa Parañaque kaya, kailan magkakaroon ng ‘balls’ si Mayor Edwin Oliveros para ipasara ang sikat na Airforce One na kilalang-kilalang club at spa na may ‘espesyal na serbisyo’ kaya dinarayo?

‘Yung KTV bars/clubs sa Pasay City along FB Harrison gaya ng Ms. Universal?!

Hindi kaya alam ng mga awtoridad na riyan sa  Ms. Universal habang lumalalim ang gabi’y unti-unti naglalaglagan ang mga damit ng mga babaeng nagsasayaw sa napakalawak na entablado?!

Bukod pa riyan ang mga namamayagpag na KTV bars/clubs sa Macapagal Blvd.

South metro mayors, si Mayor Abby lang ba ang may ‘balls’ para walisin ang prostitusyon sa kanilang lungsod?!

How about Pasay and Parañaque?!

Pakabog naman kayo!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top