Tuesday , March 31 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lance Raymundo at Kara Madrid, excited na sa gagawing music video
Lance Raymundo at Kara Madrid, excited na sa gagawing music video

Lance Raymundo at Kara Madrid, excited na sa gagawing music video

KASADO na ang gagawing music video ni Lance Raymundo. Makakasama niya rito ang talented Viva artist na si Kara Madrid, na bukod sa pagiging aktres at singer/composer, ay may ibubuga rin sa sayawan.

Nagkuwento sa amin ni Lance sa latest single niyang Sana na siya rin ang composer

“Gagawin namin yung music video para sa single ko na Sana. Kasi yung Sana parang yung refrain niyon, tatak sa tao… So, nagpagawa kami ng sayaw na babagay doon. So, yung video is basically a dance video,” saad ni Lance.

Aniya pa, “Kasama si Kara rito. Actually I don’t think naalala ni Kara, we met in the gym two years ago and sabi ko, ‘Iyong follow-up sa single ko na You Are The One, I wanted Kara to be on it’. Nagkita kami sa gym, kasi may mga common friends kami. Tapos plano ko na talagang ilabas yung kantang Sana, kasi gusto ko after You Are The One-na masyadong romantic, may kaunting hugot naman, tapos may story line.

“Pero di nagkaayusan sa una, so parang sabi ko, parang bagay sa kanya. And then- di kami nagkita for almost two years, tapos nagkatotoo rin pala na siya ang makakasama ko sa music video and it’s exactly the same song.”

Paano niya ide-describe ang kantang Sana? “It’s a pop song na ano siya-contrast. Kasi malungkot yung topic, kaya lang masasayawan mo yung kanta. Di ba usually ‘pag malungkot, senti din yung song? Ito naman, kasi parang yun na yung personality ko rin, kaya ko na ginawa ding ganoon. Ako, everytime may problem ako, imbes na magmukmok, di ba, parang we always look at the brighter side? Kasi, lahat naman ng negative ay may katumbas na positive di ba? So ganoon,” wika pa ni Lance.

Excited na ba si Kara sa gagawing music video with Lance? “Yes of course, I’m very excited, kasi siya talaga ang first project ko sa Viva, eh, Naka-schedule na iyang music video, kaya excited ako to shoot it with him. Hopefully we can collab, kasi may female part iyon, di ba? Siyempre naman, Lance Raymundo iyan, ang galing–galing niyan, it’s my pleasure to be collaborating with him,” nakangiting pahayag ni Kara.

Si Kara ay dating lead singer ng Kara Band at nagsimula siya sa showbiz bilang singer talaga. “I started with a band, it’s called Kara Band, ako yung lead singer nito. Then, nakita ako ni Boss Vic del Rosario at saka iyong liquor brand at iyon yung ni-launched ako ni Boss Vic as calendar girl ng Tanduay,” aniya.

Kuwento pa ni Kara, “I have a physical album, self titled-album, iyong Kara, iyon ang debut album ko. It’s under Polyeast Records. May single rin ako sa Viva Records, it’s called Tayo na ang gumawa niyon ay si Nica del Rosario-na siya ring gumawa ng Tala ni Sarah Geronimo. Now, we are planning to promote it, gawan daw namin ng music video, kasi hindi ko ito na-promote noon.

“Then, I did Kamandag ng Droga with Direk Carlo J. Caparas.”

Mula sa pagiging singer, paano ba siya napasok sa acting? “Kasi before, I was co-managed with Tita Annabelle (Rama)… she saw me sa Kamandag ng Droga. Ang mga project ko kay Annabelle, karamihan ay corporate events.

“This year, noong birthday ko last January 4, nag-message sa akin si Tita Aster (Amoyo, manager niya), kinamusta niya ako… I wasn’t really that active last year actually, kasi nagse-separate ways kami ni Tita Annabelle that time, but I was doing some guestings naman sa TV like Ipaglaban Mo, I was also in Vice (Ganda) movie, The Mall The Merrier. Then iyong sa FPJ’s Ang Probinsyano, bale pulis ako roon, member ako ng Task Force Agila, ako iyong naging way para maibestigahan ang First Lady (Lorna Tolentino),” pahayag pa ni Kara.

So far, itinuturing ni Kara na ang FPJ’s Ang Probinsyano ang biggest break niya sa TV. Pero very soon ay mapapanood din siya sa mas challenging na role sa pelikula tulad ng Isla, starring Elisse Joson, Beauty Gonzales, Paolo Paraiso, at iba pa, directed by Barry Gonzales. Ito ay isang sexy-comedy-horror film under OctoArts Films.

Ang isa pa sa maraming naka-line up na pelikula ni Kara ay ang action movie na Adarna ng Viva Films with Mark Anthony Fernandez, Coleen Garcia at AJ Muhlach.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top