Friday , April 26 2024

Senior citizens sa Aurora province 5% discount lang

TANONG ng isang retired police, bakit daw five percent lamang ang diskuwento sa kanilang lugar sa Maria Aurora kapag bumibili siya ng gamot at sa Puregold Supermart at maging sa iba’t ibang tindahan na may discount ang gaya niyang senior citizen. Dapat siguro ay i-lookout ito ng gobyerno ng Aurora Province. Dito sa Metro Manila ay twenty percent discount, bakit nga ba?

Mas maraming kapos-palad sa mga probinsiya, mas marami ang diskuwento sa Metro Manila?

***

Maging ilang benepisyo umano para sa senior citizen gaya ng pa-birthday o gift giving para sa araw ng kapaskuhan ay walang binibigay ang lokal na pamahalaan…

Anyare?

Dapat idulog ito kay Pangulong Rodrigo Duterte na marami tayong kababayang senior citizen na binabarat!

Ayon sa impormasyong natanggap natin, five percent dis­count ang ibibigay at kinabukasan ay five percent uli hanggang ma­buo ang twenty percent sa loob ng apat na araw!

Kenkoy ‘di po ba?

MATAAS NA MULTA SA MGA DRIVER INAANGALAN

Kapag ikaw ay nagmamaneho ng sasakyan at bumabagtas ka sa mga lugar na sakop ng Parañaque City at ikaw ay lumampas habang stop sa mga signal  light sa guhit ng pedestrian lane, siguradong lumalagapak na tatlong libo ang multa mo! Makikita ka sa CCTV cam at magugulat ka na lamang kung paparahin ka ng ilang naka­talagang traffic enforcer at ikaw ay titiketan ng reckless driving!

Ang bigat… tumataginting na P3,000! Kara­mihan sa mga nadadale ay pawang taxi drivers! Mahirap para sa isang taxi driver ang ganito kalaking multa, magkano lang ba ang kanilang kinikita sa maghapong pamamasada?

Suwerte na sa loob ng 24 oras na pagpupuyat ay P1,000 ang iuuwi sa pamilya, pero walang labas kinabukasan. At ganoon din ang karelyebo niya kaya ang P1,000 ay dalawang araw na panggastos!

***

Sa isang banda, isa itong disiplina sa mga driver. ‘Yun nga lang sobrang laki!

NO CONTACT APPREHENSION KADUDA-DUDA

Taong 2018 at 2019 nagpa­rehistro ang inyong lingkod para sa renewal ng aking sasak­yan, pero laking gulat ko nang mag-renew ako noong January 2020 ay may violations ang driver ng aking kotse, bakit delay? Noong 2018 ay obstruction daw, noong 2019, coding daw pero walang nakalagay kung saang mga lugar?

Anong karaketan ito ng MMDA? Bale 2k ang siningil sa akin! Hindi kasi ako makapag­paparehistro para sa taong 2020 kung hindi ko babayaran ang dalawang violations, bakit ganoon?

ISUMBONG MO
KAY DRAGON LADY
ni Amor Virata

About Amor Virata

Check Also

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Textbook crisis, solusyonan

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PANAHON na bang bitiwan ni Vice President Sara Duterte-Carpio …

FIRING LINE ni Robert B. Roque, Jr.

Sinong gustong dumaan sa EDSA Carousel?

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. PARA sa mga nagdududa sa ‘kasagradohan’ ng EDSA Carousel …

Sipat Mat Vicencio

Mayor Abby Binay pasok sa ‘Magic 12’ ng Pulse Asia, hahaha…

SIPATni Mat Vicencio SINO ba naman ang maniniwala sa ginawang survey ng Pulse Asia kamakailan …

Dragon Lady Amor Virata

Ikot-ikot na para sa 2025 local elections

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata IBA’T IBANG pakulo o propaganda na ang sinisimulan ng …

AKSYON AGAD ni Almar Danguilan

QCPD nakapagtala ng 82.61% Crime Solution Efficiency sa nagdaang Semana Santa

AKSYON AGADni Almar Danguilan SADYANG hindi maiwasan na saluduhan ang Philippine National Police (PNP) sa …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *