Friday , April 26 2024

Health care employees paglalaanan ng libreng tirahan — Mayor Isko

MAAYOS at libreng matutuluyan ang ibibi­gay ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Doma­go­so sa health workers  ng anim na district hospital sa Maynila kabilang ang mga kawani ng Manila Health Department na malayo ang inuuwian at hirap sa araw-araw na pagbiyahe.

Inihayag ito ni Moreno sa ginanap na kauna-unahang  Consultative Meeting  kasama ang  Medical Health Sector na dinalohan nina Vice Mayor Honey Lacuna at MHD chief Dr. Arnold “Poks” Pangan.

“The city govern­ment will start in a few weeks the vertical housing program. We want to uplift the standards of our employees,” anang alkalde.

Ang plano ay nag­lalayon na maiangat ang kalagayan at estado ng mga kawani ng MHD upang makapagtrabaho nang mabuti para sa kapakanan ng mamama­yan.

“We will build a housing project for the health workers. This is a two-bedroom design as long as you remain in the service but the day the employee retires, he has to vacate the housing and pass this on to others still in the service,” ayon kay Mayor Isko.

Base sa alkalde, kabi­lang ang pagkakaloob ng matitirahan ng healthcare employees na mapapa­bilang sa vertical housing sa planong pagtatayo ng super health centers.

Plano ni Mayor Isko na paluwagin ang mga ospital kaya kabilang sa plano ang maipasa ang binabalak na Super Health Centers, ang PhilHealth requirement kabilang ang advanced equipment at labora­tories para sa  diag­nostics.

Nabatid na apat na lugar ang napili para sa super health centers, kabilang ang isang lugar sa Pedro Gil St., Fabella, Aurora Health Center sa District I, at ang Public Health Laboratory.

Sa plano, ilalagay ang health center sa ground floor, sa second at third floor ang parking habang sa 4th floor vertical housing.

(BRIAN BILASANO)

About Brian Bilasano

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *