Sunday , September 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Opinion / One Strike Policy ni NCRPO chief P/BGen. Debold Sinas ‘di pa tumatagos sa Metro Manila
One Strike Policy ni NCRPO chief P/BGen. Debold Sinas ‘di pa tumatagos sa Metro Manila

One Strike Policy ni NCRPO chief P/BGen. Debold Sinas ‘di pa tumatagos sa Metro Manila

MUKHANG mabagal ang ‘traffic’ ng kautusang “One Strike Policy” ni NCRPO chief, P/BGen. Debold Sinas laban sa mga ilegal na sugal sa Metro Manila.

E bakit hindi?!

Aba hanggang ngayon ay sandamakmak pa rin ang iba’t ibang uri ng sugal diyan sa Tondo area, ‘courtesy’ by no other than Mr. Boy Abang.

Yes! P/BGen. Debold Sinas, baka hindi pa po ninyo alam, nagkalat pa rin ang iba’t ibang illegal numbers game sa Tondo.

Mga saklang patay na halos ilang buwang pinaglalamayan ang mga bangkay na hindi natubos sa mga punerarya.

Oy, hindi ba delikado sa coronavirus ‘yan?!

Ang perya-sugalan na dinarayo dahil sa kanilang color games, beto-beto at iba pa.

‘E yung odds bet sa PBA o NBA, hindi pa ba naririnig ni Gen. Sinas ‘yan?! 

Sandamakmak Sir!

How about online sabong, hindi ba kasama sa “One Strike Policy” ‘yan?!

Kung sa Macau ay ipinasara ang mga casino, dito sa Filipinas ay bukas na bukas. Dapat ipasara na rin muna ‘yan para maging ligtas sa COVID-19 (nCoV) ang Filipinas.

Mukhang ‘mahina’ si Gen. Sinas sa mga bossing ng iba’t ibang police district sa Metro Manila.

P/BGen. Debold Sinas, mukhang kulang kayo sa pagpaparamdam…

E magpakilala nga kayo, nang maramdaman naman ang bagsik ninyo!

           

SINO-SINO
ANG NAKINABANG
KAY RED MARIÑAS
SA IMMIGRATION!?

May nakarating sa ating balita na ipina­mamalita raw nitong dating hepe ng Bureau of Immigration Port Operation Division (BI-POD) na si Red Mariñas na may mga pabor raw tayong nahiling sa kanya nooong nagtatamasa sila riyan sa Immigration NAIA.

Excuse me po!

Mukhang nagkaroon ng masamang side effect ‘ata sa utak ang pagkatalo nitong si Mariñas sa nakaraang election sa Muntinlupa.

Hindi ba ang tunay na nakinabang sa kanya ay mga alipores n’ya noon sa BI-NAIA!?

Mabuti na lang at ibinulgar ni Mr. Mon Tulfo ang talamak na human trafficking noong siya pa ang BI-POD chief?!

Limpak-limpak na kuwarta ang kinita ng mga bata-batuta o ‘yung sikat na “dirty dozen” niya sa mga airport noong panahon na namamayag­pag sila sa BI-POD!?

Kahit itanong n’yo pa kay Den Binsol!

Sino-sino naman ba ang nakinabang sa promotion noon sa Immigration!?

Hindi ba halos lahat ng nasa inner circle niya!?

Pati na ang isang babaeng Immigration Officer na very close raw sa kanya ay promoted agad kahit hindi naman qualified!?

At kung walang katotohanan ang mga expose ni Mr. Mon Tulfo, bakit hindi nila sinampahan ng kasong  Libel?!

Mr. Red Mariñas, paki-untog mo nga ang ulo mo sa pader at mukhang bigla kang nagkaroon ng amnesia!

At kahit alam ko ang mga alingasngas sa BI-NAIA noon at magiging talunan ka ulit sa Muntinlupa ay sinuportahan pa rin kita dahil sa respeto ko sa Tatay mo na matagal ko nang kilala.

Sabihin mo nga sa harap ng mukha ko, kung anong pabor ang nahita ko sa ‘yo!?

By the way Comm. Jaime Morente, totoo ba na kumukumpas pa rin si Mariñas diyan sa Bureau kahit wala na siya riyan!?

Aba’y kung totoo ito, para ano pa at ikaw ang Commissioner diyan!?

Fact sheet!

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa [email protected] Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://www.hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top