Monday , February 24 2020
Breaking News
You are here: Home / News / Kelot nasakote sa P.1-M shabu
Kelot nasakote sa P.1-M shabu

Kelot nasakote sa P.1-M shabu

NASABAT ng mga awtoridad ang halos P100,000 halaga ng hinihinalang shabu sa isang lalaki sa ikinasang buy bust operation sa Las Piñas City, kahapon ng madaling araw.

Sasailalim sa inquest proceedings para sa ka-song Comprehensive dangerous Drugs Act of 2002 sa Las Piñas Pro­secutor’s Office ang suspek na si Antonio Chua, alyas Ponga, 50 anyos, residente sa Love Street, Saint Joseph Subdivision, Barangay Almanza Uno sa nabang­git na lungsod.

Ayon sa ulat ni P/MSgt. Pelagio Espinosa, may hawak ng kaso, nagsagawa ng buy bust operation ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SD-EU) sa pamumuno ni Lt. Roberto Pareño, laban sa suspek sa Love St., St. Joseph Subd., Bgy. Al­man­za Uno sa Las Piñas City, dakong 1:30 am.

Nakompiska kay Chua ang tatlong pakete na naglalaman ng ‘shabu’ na tumitimbang ng 12 gramo, nagkakahalaga ng P81,600, P500 buy bust money, at isang metal pencil case na pinaglayan ng suspek ng naturang droga. Dinala ang mga narekober na ebidensiya sa SPD Crime Laboratory para sa chemical analysis.

Nakakulong sa cus-todial facility ng pulisya ang suspek. (J. GARCIA)

About Jaja Garcia

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top