Thursday , April 2 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / JoWaPao best male TV host sa 51st Box Office Entertainment Awards (Bossing Vic Sotto at Joey De Leon hindi kinakalawang sa husay sa pagho-host)
JoWaPao best male TV host sa 51st Box Office Entertainment Awards (Bossing Vic Sotto at Joey De Leon hindi kinakalawang sa husay sa pagho-host)

JoWaPao best male TV host sa 51st Box Office Entertainment Awards (Bossing Vic Sotto at Joey De Leon hindi kinakalawang sa husay sa pagho-host)

Mahigit apat na dekada na ang Eat Bulaga sa telebisyon at pansinin ninyo hanggang ngayon ay hindi pa rin kinakalawang sina Bossing Vic Sotto at Joey de Leon sa pagho-host ng iba’t ibang segment ng kanilang noontime show lalo sa Bawal Judgemental.

Yes bukod sa kanilang galing at pagiging funny, kapwa mahusay sina Bossing Vic at Joey sa kanilang adlib. Iba talaga ang mga host noon na tulad nila na nahasa nang todo.

Ang isa pang kabibiliban sa dalawa ay never silang nagkawatak at kung wala lang sa mundo ng politika si Senator Tito Sotto, siguradong araw-araw din natin siyang mapapanood sa Bulaga.

Pero tuwing may espesyal na okasyon o anibersaryo ng kanilang show ay always present naman si Tito Sen.

Siyempre bukod kina Tito, Vic and Joey ay pawang mahuhusay rin ang kanilang co-EB Dabarkads at congrats sa JOWAPAO (Jose, Wally at Paolo) sa pagkakahirang sa kanilang Male TV Host of the Year sa 51st Box Office Entertainment Awards ng Guillermo Mendoza Memorial Scholarship Foundation.

VONGGANG CHIKA!
ni Peter Ledesma

About Peter Ledesma

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top