Thursday , April 9 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Direk Sigrid, puring-puri ang professionalism nina Cristine at Xian
Direk Sigrid, puring-puri ang professionalism nina Cristine at Xian

Direk Sigrid, puring-puri ang professionalism nina Cristine at Xian

Sinabi naman ni Direk Bernardo na isang acting piece ang Untrue kaya punuri niya ang dedikasyon at mahusay na pagganap nina Cristine at Xian.

We had 10 days of workshop…kumuha ako ng acting coach…They were really professional. They studied their lines. Xian gained 20 pounds for this. I told him to gain 20 pounds, and he did…tapos nagpabalbas siya. Si Cristine naman nagpakulay ng buhok.

“I am very happy with the outcome of Xian and Cristine. They were good… I’m very satisfied,” giit pa ng direktor.

Naintindihan naman ni Cristine kung bakit kinailangan nilang mag-workshop dahil bukod sa limitado ang oras nila para mag-shoot sa Georgia, “three weeks lang mayroon kaming time for that and everyday work kami, wala kaming bakasyon, so kailangan talaga masunod lahat ng sequence roon.”

Halolahat ng mga eksena ay kinunan sa Tbilisi, ang capital ng Georgia kaya naman tiniis nila ang matinding lamig.

Ipinalabas ang Untrue sa Tokyo International Film Festival noong Oktubre at ito ay handog ng Viva at IdeaFirst Company.

SHOWBIZ KONEK
ni Maricris Valdez Nicasio

About Maricris Valdez Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top