Saturday , April 27 2024

Francine Garcia, naka-relate sa role sa Ipaglaban Mo

TATAMPUKAN ni Francine Garcia ang special episode ng Ipaglaban Mo ng ABS CBN na mapapanood sa January 25, pagkatapos ng It’s Showtime.

Kuwento ito ng isang transgender na ipinaglalaban ang kanyang karapatang mabuhay sa piniling seksuwalidad.

“Iyong episode namin sa Ipaglaban Mo is about paano lumalaban ang isang transgender para sa karapatan niya na mabuhay sa kasarian na pinili niya at magmahal nang normal bilang tao,” saad ni Francine.

Aniya, “I play the lead character na transgendered woman named Monique. Ang leading man ko is Mark Manicad, together with Ms. Isay Alvarez and Robert Seña. This is directed by Chiqui Lacsamana.”

Idinagdag ni Francine na nakare-relate siya sa ginampanang papel dito. ”Sobrang relate, kasi sinasalamin niya iyong normal na ipinaglalaban ng isang transwoman sa buhay, sa family, at sa pag-ibig,” matipid na sambit niya.

Ngayon ay almost nine years nang operada si Francine na sumailalim sa sex change noong June 6, 2011.

Siya ang itinanghal na 2013 Super Sireyna winner ng Eat Bulaga. Tapos nito ay lumabas siya sa Villa Quintana at iba pang TV shows. Sa pelikula naman ay napanood si Francine sa Quick ChangeThat Thing Called Tanga NaEchorsis, at Born Beautiful.

Sa panayam namin kay Francine, binigyang-diin niyang wala siyang pinagsisihan sa ginawang pagpapa-opera. “Wala po, kasi hindi ko naman siya ginawa for sexual pleasures or anybody else, I just did it for me, for myself… para naman… girl… kasi iyon talaga ever since ang gusto kong maging,” esplika niya.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

 

About Nonie Nicasio

Check Also

Bing Velasco Cheska Garcia Pichon Garcia Patrick Garcia

Cheska, Pichon, Patrick wasak sa pagkawala ng ina

MA at PAni Rommel Placente NAKIKIRAMAY kami sa magkakapatid na Cheska, Pichon, at Patrick Garcia sa pagpanaw ng …

Phillip Salvador

Ipe binanatan sa planong pagtakbong senador

MA at PAni Rommel Placente NOONG inanunsiyo ni Phillip Salvador na tatakbo siya sa darating na mid-term …

Marven Marco Gallo Heaven Peralejo

Marco sa relasyon nila ni Heaven—a marriage without a ring

RATED Rni Rommel Gonzales KAHIT halos isang taon na silang nagkakasama sa mga project, alam …

Blind Gay Couple

Showbiz gay nahuli si poging bagets na mas beki pa sa kanya

SUKLAM na suklam ang isang showbiz gay nang matuklasan niya ang isang mapait na katotohanan, na ang …

Elizabeth Oropesa FPJ

Elizabeth ibinuking FPJ pinakamagaling, pinaka-masarap humalik

HATAWANni Ed de Leon NAALIW kami sa ginawang comparison ni Elizabeth Oropeza nang matanong ni Boy Abunda kung sino …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *