Friday , June 5 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Hiro, na-enjoy ang guesting sa Bubble Gang
Hiro, na-enjoy ang guesting sa Bubble Gang

Hiro, na-enjoy ang guesting sa Bubble Gang

NA-ENJOY nang husto ng Japanese beauty queen and actress na si Hiro Nichiuchi ang kanyang guesting stint sa Bubble Gang!

Hindi naman nahirapan si Hiro sa pagge-guest niya sa number one comedy show sa Pilipinas, in fact, sa isang segment nga ng Bubble Gang na may game ay tinalo pa ni Hiro sa paglalaro ang mga artistang mainstay ng BG!

Kasalukuyang nasa Japan si Hiro; matapos ang pagbabakasyon sa Pilipinas nitong Disyembre at bumalik sa Japan ang actress/beauty queen para roon mag-celebrate ng Pasko at Bagong Taon.

Nagdiwang din sila ng kaarawan ng nakababatang kapatid ni Hiro. Naging bahagi ng kanilang holiday getaway ang pagbabakasyon sa isang sikat na natural hot spring sa Japan.

Ngayong Pebrero ay babalik si Hiro sa Pilipinas para ipagpatuloy ang kanyang mga responsibilidad bilang Fun Ambassador ng Pilipnas sa Japan.

May natapos ding pelikula si Hiro sa Japan kasama ang Filipino actor na si JC Santos.

Rated R
ni Rommel Gonzales

About Rommel Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top