Monday , January 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Miguel at Yam, 5 taon na ang LDR
Miguel at Yam, 5 taon na ang LDR

Miguel at Yam, 5 taon na ang LDR

Anyway, hindi naman nakaligtas sa mga dumalo ng presscon tungkol sa personal life ng dalaga at kung hindi ba sila hirap dahil long distance relationship sila.

“Hindi naman, five years na kami and very secure siyang tao, very supportive. Mabait na tao.  As of now wala pang plano,” say ng dalaga tungkol sa kasal.

Maayos na naitatawid nina Yam at Miguel ang kanilang relasyon dahil kapag walang trabaho ang dalaga ay dinadalaw niya ang boyfriend sa US at inaabot siya nang mahigit dalawang linggo.

At kapag libre naman si Miguel ay siya naman ang umuuwi ng Pilipinas para dalawin si Yam at magulang nito na narito sa Pilipinas.

Nitong Bagong Taon ay nasa Hawaii ang dalawa para mamasyal kasama ang pamilya ng boyfriend.

Mapapanood na ang Nighshift sa Enero 22 handog ng Viva Films, Alliud Entertainment, at Imagine Per Second.

FACT SHEET
ni Reggee Bonoan

About Reggee Bonoan

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top