Friday , September 19 2025

Pangulo nakasubaybay sa atake ng Iran at US

TINIYAK ni Senator Christopher “Bong” Go  na “closely monitored” ni Pangulong Rodrigo Duterte ang palitan ng pag-atake ng Amerika at Iran sa isa’t isa.

Kaugnay nito, sinabi ni Go na pinakilos ni Pangulong  Duterte ang DND, AFP, DFA at maging si Secretary Roy Cimatu para maseguro ang repatriation ng mga  apektadong Filipino sa Iraq at iba pang lugar na apektado sa Middle East.

Ayon kay Go, nagpapahanda na rin ang pangulo ng  pondo na magagamit para sa paglilikas sa mga Pinoy dahil base sa itinaas na alert level 4 ay kailangan talagang mailikas ang mga kababayan na nagtatrabaho roon.

Inilinaw din ni Go na ‘ASAP’ o agaran ang kautusan ni Pangulong  Duterte na pagkilos para masiguro ang kaligtasan ng mga Filipino na kinabibilangan ng 1,600 kabilang ang 400 naka­pag-asawa na sa Iraq.

Dagdag ni Go, base sa napag-usapan sa pulong   ay gagamitin ang mga asset ng  gobyerno sa paglilikas gaya ng C-130, mga barko ng Navy at Philippine Coast Guard.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *