Thursday , September 18 2025

OFW department muling iniapelang aprobahan sa Kongreso

UMAPELA si Senator Christopher “Bong” Go  sa kanyang mga kasa­mahan sa Senado at sa Kongreso na ipasa na ang kanyang panukalang batas na pagkakaroon ng Department of Overseas Filipino Workers.

Ito ay sa gitna ng lumalalang tensiyon sa Iraq at ilang  bahagi ng Middle East dahil sa gera ng Iran at America.

Nanawagan si Go sa mga mambabatas na huwag nang  hintayin na magkaroon ng mas malalang krisis gaya ng nangyayari sa Iraq at mayroong mga mamatay na tulad  ni Jeanelyn Villavende na minaltrato sa Kuwait.

Ayon kay Go, mas mabuting mayroong iisang nakatutok sa kapakanan ng mga OFW  na iisang ”in command” hindi tulad ngayon na may DOLE secretary, DFA secretary habang ipinadala pa sa Middle East si DENR Secretary Roy Cimatu dahil sa karanasan nito sa crisis management.

Sinabi ni Go, mas magandang  iisang  tao o Kalihim na lang ang kakausapin ni Pangulong  Rodrigo Duterte sa mga kahalitulad na sitwasyon sa Iraq at Kuwait.

Hanggang ngayon ay wala pang schedule ang plano ni Pangulong Duterte na magpatawag ng special session sa Kongreso para sa hihili­nging pondo  na gaga­mitin sa repatriation ng mga  OFW.

(CYNTHIA MARTIN)

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Cynthia Martin

Check Also

ICTSI Papua New Guinea PNG Philippines

Pilipinas at Papua New Guinea: Mas Pinalalakas ang Pagkakaibigan sa Pamamagitan ng ICTSI

HIGIT na luminaw ang kahalagahan ng ugnayan nito sa Pilipinas—isang relasyon na matagal nang nakaugat …

Malolos Congress Barasoain Church

Bulacan ginunita ang ika-127 Anibersaryo ng Kongreso ng Malolos

MULING pinarangalan ng lalawigan ng Bulacan ang isa sa pinakamahalagang yugto sa kasaysayan ng Filipinas …

Arrest Shabu

Lolang tulak, 4 galamay timbog sa Subic raid

NAARESTO ng mga awtoridad ang isang lola at apat niyang kasabwat sa isinagawang drug entrapment …

PUSO ng NAIA Misa para sa apela

Misa para sa apela!

NAGSAGAWA ng misa ang Simbahang Katoliko kasama ng grupo ng Pagkakaisa ng mga Users, Stakeholders …

PCG Coast Guard Gun Rifle

Coast Guard nagbebenta ng baril online timbog

SA PINAIGTING na operasyon ng pulisya laban sa loose firearms sa buong bansa, isang lalaki …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *