Thursday , February 20 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Magic ni Maine, ‘di tumalab sa pelikula ni Vic
Magic ni Maine, ‘di tumalab sa pelikula ni Vic

Magic ni Maine, ‘di tumalab sa pelikula ni Vic

NASIRA ang calculation sa showbiz na basta kasali si Maine Mendoza, anumang teleserye o pelikula tiyak na papatok at dudumugin. Pero sorry to say, hindi ganoon ang nangyari sa pelikula nila ni Vic Sotto.

Kasama si Maine sa mga inalat sa katatapos na Metro Manila Film Festival (na top 4 lamang sila). Nadamay pang minalas ang Bulakenyang Phenomenal Star na natalo ni Aga Muhlach.

May mga komentong mali ang strategy habang malapit nang ipalabas ang pelikula na sila ni Arjo Atayde ang topic basta may write-up si Maine gayung hindi naman ito ang kapareha.

Well, ang moral lesson, huwag isabay ang totoong boyfriend sa ipino-prommote na pelikula.

May nakapagsabi nga kung si Alden Richards ang itinambal kay Maine baka sakaling nakipag-agawan ng kita sa takilya.

May mga nagsasabi ring luma na ang mga jokes na napanood sa pelikula na parang napanood na last year.

Wow, ang hirap talagang espelengin ng fans, hindi mo alam kung ano ang gusto nila.

SHOWBIG
ni Vir Gonzales

About Vir Gonzales

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top