Thursday , November 26 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Aktor, posibleng sa kangkungan na pulutin
Aktor, posibleng sa kangkungan na pulutin

Aktor, posibleng sa kangkungan na pulutin

PALAGAY nga namin, mukhang mahihirapan nang makabawi ng kanyang popularidad ang isang male star. Kasalanan din naman niya. Nagpabaya kasi siya sa kanyang career. Para bang ang palagay niya noon matibay na ang kanyang katayuan at ano man ang kanyang gawin ay sikat na siya. Hindi niya namamalayan na unti-unti na ngang bumababa ang kanyang popularidad hanggang noon gusto na lang niyang magbalik ulit.

Sinubukan niyang mag-concert, palpak. Hindi na siya dinumog ng fans. Sa pag-aaral, sinasabi ng mga theater owner na hindi na siya puwedeng gawing bida sa pelikula dahil hindi na nga siya sikat. Siyempre hindi niya matanggap iyon, at ang akala niya ay iniipit lamang ang kanyang career.

Ewan ngayon kung tanggap na niyang wala na siya talagang career, at kung hindi pa siya matututo, sa kangkungan na siya pupulutin.

(Ed de Leon)

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top