Friday , February 21 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Sylvia, papasukin na ang pagpo-produce
Sylvia, papasukin na ang pagpo-produce

Sylvia, papasukin na ang pagpo-produce

BONGGA ang magiging 2020 ni Sylvia Sanchez dahil dalawang malalaking pelikula ang gagawin niya bukod pa teleserye lalo’t nagri-rate ang mga pinagbibidahang teleserye.

Dagdag pa rito ang pagkakaroon ng mga bagong endorsements bukod sa BeauteDerm na mayroon na rin siyang branch.

Ayon sa bagong manager ni Ibyang, “Number one ang films, I told her nga na at least we have minimum of 2 films in a year and mayroong endorsements na papasok na I hope by the first quarter of the year but of course I cannot reveal yet kasi, pero ‘yung film 100% tuloy ‘yun.”

Itinaas din ng manager ni Sylvia ang TF ni Sylvia sa 2020. “Siyempre kailangan kasi mataas naman ang value niya sa television and it’s about time na i-increase ko rin ang outside television niya, dapat everything tataas. I promised to her (Ibyang) that I will deliver a good price sa lahat ng gagawin niya outside television.”

At sa tulong din ng kanyang management, tutuparin ni Ibyang ang matagal na niyang pangarap na makapag-produce ng pelikula sa 2020.

MATABIL
ni John Fontanilla

 

About John Fontanilla

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top