Friday , September 12 2025
Bulabugin ni Jerry Yap
Bulabugin ni Jerry Yap

DOJ Usec Mark Perete suportado ang BI laban sa kidnapping

BINIGYAN ng kasigurohan ni Department of Justice (DOJ) Undersecretary Markk Perete na mananatili ang mahigpit na pagbabantay ng Kawanihan ng Pandarayohan sa bawat paliparan at daungan sa lahat ng panig ng bansa.

Ito ay bunsod ng pagkaalarma ng Philippine National Police (PNP) sa lumalalang bilang ng mga kaso ng kidnapping, partikular sa mga Chinese nationals na lumalaki ang  bilang sa komunidad.

 “Our Bureau of Immigration has a standing arrangement with the PNP-Kidnapping Group for the identification of those involved in kidnapping operations, and their exclusion or deportation as may be warranted,” pahayag ni Perete na siyang Undersecretary in-charge sa ahensiya.

“It likewise coordinates with the office of the  Police Attaché in, among others, the monitoring of the movements of known personalities from China involved in the crim inal operations,” dagdag niya.

Ayon sa datos ng PNP Anti-Kidnapping Group (AKG), sa nakaraang 3 taon mayroong 75 kaso ng kidnapping sa Chinese nationals na biktima ng kapwa nila mga Tsekwa.

Labing-anim sa kasong ito ay nangyari noong isang taon samantala 17 kaso noong 2017.

Ibig sabihin ay lumalala pa ang insidente sa taong kasalukuyan dahil sa pagtaas ng bilang nito.

Dagdag ng PNP-AKG, isa sa mga itinuturong dahilan ng paglobo ng mga kaso ang patuloy na pagdami ng mga banyaga na patuloy na nagdaragsaan sa bansa.

Karamihan sa kanila ay mga nagtatrabaho sa casino, online and offshore gamings o POGO.

Datapwat nagkakaroon ng madalas na deportasyon, patuloy na hindi mapipigilan ang pagpunta nila sa Filipinas hangga’t pinapayagan ng pamahalaan ang pagbibigay ng permits sa mga kompanyang nagtatatag ng POGO.

Para sa mga reaksiyon, suhestiyon, reklamo at sumbong, magtext sa 0977.705.22.31 o mag-email sa JERRYAP888@YAHOO.COM. Para sa mga nakaraang isyu ng BULABUGIN please visit https://hatawtabloid.com

BULABUGIN
ni Jerry Yap

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Jerry Yap

Columnist at HATAW D'yaryo ng Bayan / CHRONICLE (Customs); National Press Club of the Philippines President (2010-2012), Treasurer (2012), Director (2004-2010) and National Chairman at ALAM (Alab ng Mamamahayag)

Check Also

money politician

The Who: Pondo para sa isang proyekto ipinalustay ng isang gabinete para sa kampanya ng kapatid

GARAPAL naman talaga ang isang opisyal ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., dahil sa sobrang kakapalan …

Firing Line Robert Roque

Wa’ epek ang pagluha

FIRING LINEni Robert B. Roque, Jr. SINONG hindi magiging emosyonal sa gitna ng malupit na …

Aksyon Agad Almar Danguilan

Katarungan, agad nakamit sa QCPD hot pursuit operations

AKSYON AGADni Almar Danguilan BAGAMAT hindi pa hinahatulan ng korte ang tatlong naarestong ‘salarin’ na …

Dragon Lady Amor Virata

Aplikasyon sa Ombudsman ni Remulla hinaharang

Isumbong mokay DRAGON LADYni Amor Virata GAANO katotoo na hinaharang umano ni Senator Imee Marcos …

Sipat Mat Vicencio

Daza, Ongchuan at ang political dynasty sa Northern Samar

SIPATni Mat Vicencio KAPAG ang pag-uusapan ay politika sa Northern Samar, kaagad at mabilis na …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *