Monday , December 9 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Gary at Zsa Zsa, naghatid ng dobleng saya sa star-studded bday bash ni Ms. Rhea Tan
Gary at Zsa Zsa, naghatid ng dobleng saya sa star-studded  bday bash ni Ms. Rhea Tan

Gary at Zsa Zsa, naghatid ng dobleng saya sa star-studded bday bash ni Ms. Rhea Tan

NAPAKA-ENGRANDE at napakabongga ng ginanap na birthday celebration ng sobrang generous na Beautederm CEO and owner na si Ms. Rhea Anicoche Tan sa Royce Hotel and Casino sa Clark, Pampanga last November 23. Ang naturang okasyon ay itinaon sa sele­brasyon ng 10th anniversary (Dekada) ng Beautederm at ng Beautecon 2019 sa Marriott Hotel na dinaluhan ng daan-daang sellers at distributors ng Beautederm sa buong Filipinas at sa abroad.

Full support ang family ni Ms. Rhea sa special birthday bash niyang binansagang Rhea Royale, sa pangunguna ng kanyang very supportive husband na si Mr. Sam Tan kasama ang mga anak na sina Kent at Audrey, Mommy Pacita, Bambie at iba pang relatives and friends.

Bukod sa umapaw ang pagkain at inumin, muling pinagsama ng lady boss ng BeauteDerm ang mga Kapamilya at Kapuso stars. Pinangunahan ito ng Face of Beautederm na si Ms. Sylvia Sanchez kasama ang iba pang celebrity ambassadors na sina Lorna Tolentino, Gabby Concepcion, Carlo Aquino, Arjo Atayde, Ria Atayde, Enchong Dee, Ejay Falcon, Ken Chan, Rita Daniela, Jane Oineza, Ryle Santiago, Pauline Mendoza, Sanya Lopez, Camille Prats, Tonton Gutierrez, Glydel Mercado, Jestoni Alarcon, Alma Concepcion, Rochelle Barrameda, Jimwell Stevens, Maricel Morales, Sherilyn Reyes-Tan, Anne Feo, Shyr Valdez, Alynna Velasquez, Kitkat, Jana Roxas, Alyana Asistio, Darla Sauler, Alex Castro, Migz Magsaysay, Kaye Revil, Jana Ejercito, Donya Tesoro, at Stephanie Teves.

Present din sina Dessa, Kakai Bautista, Boobay, Luke Mejares, Sunshine Garcia, Ynez Veneracion, Sir Art Atayde, at iba pa. Sina Smokey Manaloto, Sherilyn at Maricel ang nagsilbing host ng gabing iyon.

Si Marian Rivera na Face of Beautederm Home naman ay naunang dumalo sa Beautecon seminar.

Bukod sa mga bonggang pa-raffle, kabilang sa bonggang regalo ni Ms. Rhea sa lahat ng duma­lo sa kanyang birthday ang back-to-back concert nina Gary Valenciano at Zsa Zsa Padilla. Dito lalong umapaw ang kasiyahan ng marami na nakikanta at nakisayaw sa dalawang Kapamilya performers, lalo nang humataw na on-stage si Mr. Pure Energy kasama ang Manouevres.

Dito’y makikita rin siya na tila nakatulala habang kumakanta si Ms. Zsa Zsa at siya mismo’y nagreretrato rin sa Divine Diva habang nagpe-perform.

Nag-post naman ng ganito sa FB si Ms. Rhea bilang pasasalamat kay Gary:  ”You never cease to inspire millions of people. I am certainly positively Blessed because of you Sir Gary.

What you said is true — you are a walking, singing, and dancing miracle.

You have weathered the odds and survived triumphantly!

You are a living testament on the goodness of The Lord.

Thank you for Blessing my 30th Birthday with your presence.

We have been energized and Blessed with your amazing and awe-inspiring talent.

I have always admired you as you are a beacon of hope that the Lord uses to uplift and touch your countless fans.

Your performance in BeautéCon 2019 is truly worldclass.

You are and will always be Mr. Pure Energy — and we, your fans, celebrate your life and your career.

God Bless you and your won­derful Team Sir Gary!

Iloveyou po idol!!

Thank you ate Chuck Gomez!”

Sadyang mahirap malimutan ang espesyal na gabing iyon sa tindi ng performance nina Zsa Zsa at Gary, minarkahan nila ng isang matinding exclamation point ang isa na namang mahalagang kabanata sa buhay ng nag-iisa at walang katulad na CEO na si Ms. Rhea Tan.

“I will never, ever be able to build what Beautederm is today without all of you. Thank you mga anak (resellers and distributors). Sana masaya kayo sa aming mga regalo sa inyo. Lord, thank you po,” sambit ng masayang-masayang si Ms. Rhea sa kanyang mga ‘anak’ sa BeauteDerm family.

ALAM MO NA!
ni Nonie Nicasio

About Nonie Nicasio

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top