Monday , December 9 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Bangayan sa P50-M kaldero itigil… 3 solons nanawagan, atleta suportahan
Bangayan sa P50-M kaldero itigil… 3 solons nanawagan, atleta suportahan

Bangayan sa P50-M kaldero itigil… 3 solons nanawagan, atleta suportahan

NANAWAGAN kaha­pon ang ilang kongresista na itigil na ang bangayan patungkol sa P50-milyo­nes na kaldero sa SEA Games.

Anila, dapat ng mag­kaisa ang nga Pinoy at kalimutan ang mga kon­trobersiya kaugnay ng ika-30 Southeast Asian (SEA) Games na mag-uumpisa sa 30 Nobyem­bre hangang 11 Disyem­bre 2019.

Ayon kay Cavite Rep. Elpidio “Pidi” Barzaga, Jr., Quezon City Rep. Onyx Crisologo, at Ana­ka­lusugan party-list Rep. Mike Defensor dapat nang itigil ang bangayan sa kaldero at iba pang mga pasilidad sa SEA Games.

Kumalat na sa news at social media sa ibang bansa ang mga balita patungkol sa mga kapal­pakan ng organizer ng SEA Games.

“The cauldron issue which the President has to intervene should be set aside to focus on the SEA Games and the athletes. As President Rodrigo Duterte stated, the cauldron is a work of art — an intellectual creation — which could not be the subject of exact pecuniary estimation.

Nonetheless, I remind everybody not to be swayed by the cauldron issue and instead focus on the biennial regional multi-sport event,” ani  Barzaga, president ng National Unity Party (NUP).

Sa panig ni Crisologo, politikal ang dahil kung bakit sumingaw ang mga isyu.

“Let us stop the politics and just support the athletes and the hosting of the games,” ayon kay Crisologo.

“Sports inspire us to be become better [Filipinos where we can show] teamwork, discipline and pride,” ani Crisologo.

Ayon kay Defensor, ang isyu sa ‘kaldero’ ay dapat ipinagpaliban muna hangang matapos ang SEA Games.

Naunang binatikos ni Senate Minority Leader Franklin Drilon ang kaldero ng SEA Games.

Aniya puwedeng ipagawa ng 50 silid-aralan ang ginastos sa paggawa ng kaldero.

Kaugnay ng SEA Games, sinabi ni Barzaga, kailangan bigyan ng magandang incentives ang mga atletang mana­nalo sa mga palaro.

Sa kasalukuyan ang mga Pinoy na gold medal­list ay binibigyan ng P300,000; P150,000 sa silver medallists at P60,000 sa bronze medallists.

Ani Barzaga, kaila­ngan nang itaas ito lalo sa mga winner sa  Asian Games – P2,000,000 para sa gold medallists; P1,000,000 sa silver medallists; at P400,000 sa bronze medallists.

Sa mga mananalo naman sa Olympics kaila­ngang itaas ito sa P10 milyon sa gold medallist, P5 milyo sa silver medallist at P2 milyon sa bronze medallist.

(GERRY BALDO)

About Gerry Baldo

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top