Monday , December 9 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Bagong Jones Bridge, pinasinayaan ni Yorme
Bagong Jones Bridge, pinasinayaan ni Yorme

Bagong Jones Bridge, pinasinayaan ni Yorme

PINANGUNAHAN ni Mayor Francisco “Isko Moreno” Domagoso, ang inagurasyon ng bagong mukha  ng William A. Jones Memorial Bridge o Jones Bridge, na nag-uugnay sa Binondo, Ermi­ta at Intramuros, kagabi, araw ng Linggo.

Sa kanyang talumpa­ti, sinabi ni Moreno, ay kaunting alaala na pama­na sa ating bansa na da­pat pangalagaan at pahalagahan.

Pinasalamatan ng alkal­de ang lahat na mga nagsikap at tumulong sa restorasyon ng Jones Bridge.

Kabilang dito ang nag-ukit sa replica  ng La Madre Filipina na si Jerry Acuzar ng La Casas Acuzar, Eugene Ang na Presidente ng FCCCI, ang DENR, City Engineering Office sa pangunguna ni Engr. Armand Andres, Department of Public Service (DPS) at iba pang department heads.

Ayon sa alkalde, naging guiding factor ang kaisipan ng arkitektong si Juan Arellano na siyang gumawa sa Jones Bridge na ihalintulad  ang nasa­bing tulay sa Paris kaya naman tinagurian ito bilang “Paris of the East.”

Malaking bagay din aniyang nabanggit ni Acuzar na dapat ibalik ang estatuwa ng La Madre Filipina kaya naman nang malaman nito ang kasaysayan ay agad niyang kinausap ang pamunuan ng National Parks Development Committee (NPDC) upang maibalik ang isang estatwa na nasa kanilang pangangalaga.

Sinabi ni Manila Vice Mayor Honey Lacuna-Pangan, ang Jones Bridge ang sumisimbolo sa pag­si­sikap na  ibangon at pasig­lahin ang kabiser­sang lungsod ng bansa.

 

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top