Saturday , January 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Ritz, itinangging naging sila ni Marco
Ritz, itinangging naging sila ni Marco

Ritz, itinangging naging sila ni Marco

NAGSIMULA na ang shoot ng pelikulang The Closure mula sa MABP Productions na bida rito sina Ritz Azul, Mica Javier, at Edgar Allan Guzman. Triangle sila sa pelikula.  Asawa ni Edgar si Ritz, at ex niya si Mica, na muling magbabalik sa kanya. Ang pelikula ay mula sa direksiyon ni Paul Singh Cudail.

Dahil The Closure ang title ng pelikula, tinanong namin si Ritz, kung may pangyayari na ba sa buhay niya na nagkaroon siya ng boyfriend noon, na noong naghiwalay sila ay walang closure na nangyari. Ang sagot niya, never pa siyang nagkaroon ng boyfriend. At kung sakaling magkaka-boyfriend siya at maghihiwalay, gusto niya siyempre ‘yung may closure.

So, kung hindi pa nagkaka-boyfriend si Ritz, ibig sabihin ay hindi naging sila ni Joseph Marco na nali-link sa kanya before?

Hindi po. Naging close lang kami noong nagkasama kami sa Los Bastardos. Wala na nga kaming communication ngayon, eh.”

MA at PA
ni Rommel Placente

About Rommel Placente

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top