Friday , December 13 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Drilon walang “K” pintasan ang Build, Build, Build; Aquino admin buta sa infra
Drilon walang “K” pintasan ang Build, Build, Build; Aquino admin buta sa infra

Drilon walang “K” pintasan ang Build, Build, Build; Aquino admin buta sa infra

WALANG karapatan si Senate Minority Leader Franklin Drilon na pinta­san ang Build,Build,Build program ng adminis­trasyong Duterte dahil buta sa proyektong em­pra­es­traktura ang naka­raang administrasyong Aquino na kaalyado ng senador.

Ayon kay Presidential Spokesman Salvador Panelo, dapat magbalik-tanaw si Drilon sa dating Aquino administration na kinabilangan niya para mapagtanto na wala ni isang infra project na naisakatuparan.

“Ito namang si Senator Frank, my fraternity ka-batch brod. Senator Frank, look at the administration you previously belong, six years not a single infrastructure na nagawa. Malayong-malayo sa rami,” ani Panelo sa press briefing sa Palasyo.

Tinawag ni Drilon na palpak ang Build, Build, Build program ng admi­nistrasyong Duterte dahil walang natatapos na proyekto at puro pakulo lamang.

Sa ginanap na budget interpellation sa Senado kamakailan, inulat ng National Economic Development Authority (NEDA) na dalawa lamang sa 75 BBB pro­jects ang natapos na ha­bang siyam ang kasa­lukuyan ang kons­truk­siyon.

 (ROSE NOVENARIO)

 

 

About Rose Novenario

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top