Sunday , December 6 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Nora, gustong makatrabaho ni Bidaman Jiro Custudio
Nora, gustong makatrabaho ni Bidaman Jiro Custudio

Nora, gustong makatrabaho ni Bidaman Jiro Custudio

BUKOD sa pagkanta na kanyang first love, gusto rin ni Bidaman Jiro Custudio na umarte sa telebisyon at pelikula.

Si Nora Aunor ang gusto niyang makatrabaho. “Bata pa ako bilib na bilib na ako sa husay umarte ni Ms Nora Aunor, napakagaling niya.

Halos lahat naman siguro ng baguhan na katulad ko ay nangangarap na makatrabaho ang nag-iisang Superstar.

“‘Pag nakatrabaho ko siya alam kong marami akong matututuhan sa kanya pagdating sa pag-arte.”

Bukod kay Ate Guy, gusto rin niyang makatrabaho si Dingdong Dantes na bilib na bilib siya sa husay umarte.

Susubukan nga nitong pagsabayin ang pag-arte at pagkanta dahil pareho siyang nasisiyahan sa ginagawa.

At sa Nov . 22 ay magkakaroon ng first major concert si Jiro sa Cuneta Astrodome entitled The Greatest Show at the Cuneta Astrodome.

Ang beneficiary ng concert ni Jiro ay ang Children with Cancer at Silungan ng Pag -Asa  at Pasay Street Children. Magiging espesyal na panauhin niya ang veteran singer na si Dulce with X Factor UK Maria LarocoBritains Got Talent Madonna Decena, Bugoy Carino atbp..

HOT, AW!
ni Ronnie Carrasco III

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top