Tuesday , February 18 2020
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Male personality, nagbuyo sa actor na magbisyo
Male personality, nagbuyo sa actor na magbisyo

Male personality, nagbuyo sa actor na magbisyo

HAPPILY married na ang aktor na ito na isa sa mga matinee idol ng kanyang henerasyon noon.

Manaka-naka’y lumalabas na rin siyang muli sa TV at pelikula, palibhasa’y mahusay naman at napansin pa noon ang pagganap sa isang pelikulang tampok ang bidang sumakabilang-buhay na.

Nakapagtataka nga lang na noong lumagay siya sa tahimik ay kasunod ito ng sorpresang pagpapakasal din ng isang male personality na naugnay sa kanya. Yes, as in napabalitang mayroong “bromance” na namagitan sa kanilang dalawa.

Kung paano at bakit mayroon silang makulay na nakaraan ay dahil na rin sa “panghihimasok” ng isang taong malapit sa male personality.

Sa aminin man o hindi ng huli, siya ang nangangandayupapa sa guwapong aktor na itago na lang natin sa alyas na Dominic. Pero ang masaklap, ang male personality pa ang nagbuyo sa aktor na subukang magbisyo.

(Ronnie Carrasco III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top