Friday , January 22 2021
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Lolit Solis, next target ni Greta
Lolit Solis, next target ni Greta

Lolit Solis, next target ni Greta

TULAD ng alam ng marami, ang simpleng post na “Freshhh!” ni Ruffa Gutierrez patungkol kay Claudine Barretto ay minasama ni Gretchen.

Pinaratangan niyang nakikisasaw ang tinawag niyang “Ruffy” sa isyung hindi naman ito sangkot. Ang matindi pa, wari’y ipinaalala ni Gretchen ang involvement nila noon sa Manila Film Festival scam in 1994.

Lumikha ng kasaysayan ang pandarayang ‘yon na isinisi kay Lolit Solis na siyang utak ng MMFF fiasco sa ilalim ng termino ng noo’y Manila City Mayor Alfredo Lim.

Para tuloy isang unwritten/unspoken rule that as far as Gretchen is concerned, walang may karapatang kumampi kina Marjorie at Claudine or else ay makatitikim sila ng mapang-insultong salita mula sa live-in partner ni Tony Boy Cojuangco.

Eh, paano ‘yan, lantarang inihahayag ni Lolit ang kanyang opinyon tungkol sa away ng magkakapatid? Bagama’t wala namang kinakampihan ang talent manager, do we assume na si Lolit ang next target ni Gretchen, lalo pa’t ang reference nito tungkol sa MFF scandal ay ito ang may pakana?

Well…

(RONNIE CARRASCO III)

About Ronnie Carrasco III

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top