Friday , November 22 2019
Breaking News
You are here: Home / Hataw Lifestyle / Free high-speed internet sa Bataan mula sa GoWIFI
Free high-speed internet sa Bataan mula sa GoWIFI

Free high-speed internet sa Bataan mula sa GoWIFI

SA LALONG madaling panahon, ang makasaysayang bayan ng Orani sa Bataan ay may maipag­mamalaking Internet connection na mas madali, mas mabilis at libre.

Sa libreng Internet mula sa GoWiFi, matatamasa ng con­stituents ng Orani ang marami sa kanilang paboritong content at online activities sa mga pangunahing lugar sa bayan na may bilis na hanggang 100Mbps.

Ang makasaysayang part­nership ay sinelyohan nina GoWiFi Business Development Manager John Timothy Ang at Jonnelle Tan ng Globe Telecom Enterprise Group , kasama si Orani Mayor Efren Dominic Pascual Jr.

Ang GoWiFi services ay magagamit sa loob ng taon sa Orani Municipal Hall, Town Plaza at Multi-Purpose Gym.

Patuloy ang GoWiFi, ang pinakamalaking WiFi service sa bansa, sa expansion plans nito sa buong bansa, partikular sa high-traffic areas tulad ng  malls, hospitals, at schools upang maging accessible at abot-kaya sa maraming mga Filipino ang high-quality internet connection.

Hanggang sa first half ng taon, ang GoWiFi ay accessible sa 2,500 lugar sa buong bansa, mas mataas nang 500 noong nakaraang taon.

“GoWiFi services are available in regular (free) GoWiFi and premium (paid) GoWiFi Auto, both available to all users with any WiFi-enabled device regardless of network service provider and even international numbers. Subscription to GoWiFi allows users to enjoy con­nection speeds as high as 100Mbps depending on location. To connect to Free GoWiFi, just open the Wi-Fi-enabled device’s WiFi settings, connect to the SSID “@FreeGoWiFi” or “@<site>_FreeGoWiFi,” register and wait for the SMS verification code, then select a WiFi offer, confirm and start surfing.”

Bilang bonus, ang Globe Prepaid & TM customers ay makatatanggap ng 1GB libreng GoWiFi para sa bawat regis­tration ng GoSAKTO, GoSURF at EasySURF na nagkakahalaga ng P50 at pataas na magagamit nila sa anomang GoWiFi hotspot.

Ang Globe Prepaid GoSAKTO90 users ay maka­tatanggap ng 1GB free GoWiFi access bukod sa 2GB mobile data, 2GB para sa GoWATCH&PLAY, 1 GCash voucher at unlimited all net texts na valid sa loob ng pitong araw sa halagang P90 lamang.

Samantala, ang TM EasySURF50 users ay awtomatikong makakukuha ng 1GB free GoWiFi access, 1GB mobile data, 2GB para sa EasyWATCH&PLAY, 300MB para sa app na kanilang mapipili at unlimited all net text na pawang valid sa loob ng 3 araw.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top