Friday , July 10 2020
Breaking News
You are here: Home / News / ‘Ninja cops’ sasampahan ng kaso — Gordon

‘Ninja cops’ sasampahan ng kaso — Gordon

POSIBLENG sampahan ng kaso ang mga ninja cops o mga pulis na sang­kot sa drug recycling.

Ayon kay Senator Richard Gordon, tapos na ang report at handa nang  isumite ng Senate blue ribbon committee ang imbestigasyon ukol sa ninja cops.

“Tapos na ako, ginagawa na namin ‘yung report [I’m done, we are now doing the report], as we speak…Kasi sa dami ng hearing namin, titing­nan namin kung saan kami nagkulang, saan kami sumobra [Because we have conducted a lot of hearing, we will look into where we lacked and where we had too much],” ani Gordon.

Sa ngayon aniya ay suspendido muna ang imbestigasyon ukol sa naturang isyu dahil mayroon pa silang mga kakausapin gaya ng Korean na si Johnson Lee na sinasabing drug trafficker na naaresto sa kuwestiyonableng drug raid sa Pampanga noong 2013.

Kukunin ng komite ang mga sports utility vehicle na umano’y na­pun­ta sa mga pulis na nag-operate sa Pampa­nga operation kabilang ang noo’y provincial director na si PNP chief Oscar Albayalde.

“Because may lalabas pa e. ‘Yung report ng Korean, lalabas ‘yun. Kausapin natin, baka magturo ‘yun e. Tapos ‘yung mga kotse, ‘pag nakuha natin ‘yung listahan, it will just re­inforce the case,” dagdag ng senador.

Dahil dito posibleng sampahan ng kaso si Albayalde dahil sa pag­kakadawit nito sa ninja cops.

ni CYNTHIA MARTIN

About Cynthia Martin

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top