Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / Pulis tinangkang areglohin… 2 tsekwa kulong sa P1.7-M suhol
Pulis tinangkang areglohin… 2 tsekwa kulong sa P1.7-M suhol

Pulis tinangkang areglohin… 2 tsekwa kulong sa P1.7-M suhol

KULUNGAN ang kina­hantungan ng dalawang Chinese nationals nang tangkain nilang suhulan ng halagang  P1.7 milyon ang hepe ng mga imbestigador ng Makati City Police Station kapa­lit ng paglaya ng ilan nilang kababayan na nadakip sa raid sa isang prostitution den sa lungsod.

Nahaharap sa ka­song bribery ang mga inaresto na kinilala ng pulisya na sina Zhang Xiuqiang, 32, at Fan Jianping, 23.

Kamakalawa ng hapon, nagtungo sina Zhang at Xiuqiang sa headquarters ng Makati police at hinikayat si P/Major Gideon Ines Jr., hepe ng Criminal In­vestigation Division na ayusin ang nahuling anim na kaibigan na pawang Chinese nationals at nag­tatrabaho umano sa Philip­pine Offshore and Gaming Operators (POGO) kapalit ng P1.7 milyon.

Pero agad tumanggi ang opisyal at ipinaa­resto ang dalawa saka kinom­piska ang dalang pera.

Itinanggi ng isa sa mga inaresto na sinusu­hulan nila ang pulis.

Nitong Lunes, 21 Chinese nationals ang dinakip ng pulisya sa pagsalakay sa isang hotel sa Makati na nabistong prostitution den.

Nasagip ang 36 baba­eng Chinese sex workers sa serye ng raid na nasa pangangalaga na ng Depart­ment of Social Welfare and Development (DSWD).

Napasugod si Na­tional Capital Region Police Office (NCRPO) Regional Director P/MGen. Guillermo Eleazar sa Makati Police at galit na pinagsabihan ang dalawang nanunuhol na Chinese.

“You tried to bribe our policemen? What do you think of our police officers here?” galit na sinabi ni Eleazar.

Umapela si Eleazar ng tulong mula sa Chinese law enforcers kaugnay ng paglaban sa mga kaso ng human trafficking na kinasa­sangkutan ng kanilang mamamayan.

“We need the cooperation of our Chinese counterpart. Kasi sila ng nakaaalam ng mga sindikato na ‘yan and their opera­tions. Sa ‘tin limited ang magagawa natin dito sa ating territory,” ani Eleazar.

Siniguro ng NCRPO chief na patuloy ang pulisya sa paglaban sa lahat ng uri ng krimina­lidad at ilegal na droga. (MANNY ALCALA/JAJA GARCIA)

About Manny Alcala

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top