Thursday , September 18 2025

Kris Bernal, nabigong perahan ng hacker

NAKAUSAP namin si Kris Bernal tungkol sa pagkaka-hack ng social media account niya.

Okay naman. Siguro mas naging conscious ako na when it comes to securing my accounts and when it comes to putting or setting up a password, mas naging cautious na ako.”

Pero rati na naman siyang maingat sa kanyang social media accounts pero na-hack pa rin siya?

Magagaling talaga ang hackers pero kasi siguro dahil iyon nga, madali rin, minsan may mga password na ang dali ring mahulaan, ang dali ring ma-access.

“So kailangan talaga inga­tan mo ‘yung password mo, kailangan alam mo, maaalala mo. Kasi minsan ako sa sobrang dami ng accounts ko na may password, hindi mo na alam kung ano ‘yung pass­word niyong isa, eh!

“Dapat alam mo lahat.”

Kaya siya na-hack ay nadiskubre o nahulaan ang password niya?

Yes, it’s because parang, feeling ko ito ‘yung reason kung paano nila nakuha.

“It’s because may nag-email sa akin from Instagram, and then telling me na parang they’ll take down my account after 48-hours, kasi may copyright infringement daw ako.

“Naniwala ako, so para mai-report ‘yun I have to log in my username and my password. So I clicked the link kasi siyempre ang unang concern ko ayokong mawala ‘yung account ko.

“So ire-report mo agad kung anong nangyari. Tapos iyon na, parang nagkaroon na ng emails na retrieving my password, someone is trying to ano, hanggang sa hindi ko siya nakuha kasi of course, feeling ko naman magaling talaga sila sa ganoon.”

Ang nabawi lang ni Kris ay ang Instagram  at e-mail niya.

Ang Twitter account niya ay hindi pa niya nababawi.

Paano niya nabawi ang mga ito?

Actually sa Instagram, tinulungan ako ng GMA Network. Though I also messaged Instagram pero mas responsive and mas madali noong si GMA Network ang tumulong sa akin.

“I guess because sila ‘yung nag-verify sa amin, ng Instagram so I guess siguro madali ring makipag-usap sa kanila sa mga Instagram community.

“Mas madali siguro ‘yung communication, ‘yung verifying of ‘yung mga ganoong isyu, kung totoo.”

Mas mahirap na ang pass­word ni Kris ngayon at biro namin kay Kris, baka sa hirap ng password niya ay siya mismo ang makalimot nito.

May ginagawa ba siyang measure para hindi niya makali­mutan ang password niya?

Well siyempre at first naman talaga ang una nating iisipin, related sa atin pero  siyempre kailangan you have to make it complicated.

“And one thing that I can really share also is gamitin mo ‘yung to 2-Factor Authen­ticator App, kasi maraming ways para i-secure yung account mo, eh.

“Mayroong may magse-send sa ‘yo ng code para makuha mo. May isa pa na you have to download an app tapos naka-secure ang account mo.”

Hindi na rin basta naniniwala si Kris sa mga e-mail mula sa mga hindi niya kilala.

Muntik na ba niyang bayaran ang hackers (na mula sa ban­sang Turkey) na nagde-demand sa kanya ng $700 o P35,000?

No, no, hindi talaga. It’s not na hindi ko kayang magbayad ha,” at natawa si Kris.

“Kaya namang magbayad pero parang ayoko lang kasing i-tolerate ‘yung mga hacker. Na alam mo ‘yun, ganoon lang kadali?

“Hindi ka naman sure, paano mo maga-guarantee na ibabalik sa iyo ‘yung account mo?

“Sa totoo lang nagtaka ako bakit ganoon lang ang hinihingi nila, parang maliit siya for the following na nakuha nila, ‘di ba? Alam naman siguro nila na artista yung account, ‘di ba?”

May 1.4 million followers si Kris sa Instagram.

Pero ayoko kasi i-tolerate, eh.”

“Kung binayaran ko sila parang kinunsinti  ko, ‘di ba?”

Rated R
ni Rommel Gonzales

Krystall Herbal Products and FGO Branches

About Rommel Gonzales

Check Also

Ralph Dela Paz

Ralph Dela Paz lucky year ang 2025 

MATABILni John Fontanilla MUKHANG lucky year para kay Ralph Dela Paz ang 2025 sa dami ng proyektong …

Alden Richards

Alden ibinahagi ibig sabihin ng  salitang ‘kuracaught.’

MATABILni John Fontanilla HINDI na rin napigilan ni Alden Richards na maglabas ng saloobin, kaugnay sa mainit …

Xia Vigor Para Sa Isat Isa Krissha Viaje Jerome Ponce

Xia may ka-loveteam na, gustong makatrabaho si Donny

MA at PAni Rommel Placente MIRACLE In Cell No. 7. Ito ang pelikulang maituturing ng …

Bea Alonzo, John Lloyd Cruz

Lloydie-Bea project posible: Hindi naman nawawalan ng offer

MA at PAni Rommel Placente TINANONG si Bea Alonzo sa interview sa kanya sa 24 Oras, kung magkakaroon …

Bea Alonzo Vincent Co

Bea sa balitang engage na kay Vincent: Nauunahan pa ng tao ang pangyayari sa buhay ko 

MA at PAni Rommel Placente SA balitang engaged na si Bea Alonzo kay Vincent Co, may reaksiyon dito …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *