Thursday , October 24 2019
Breaking News
You are here: Home / News / 5,000 year old city sa Israel nadiskubre
5,000 year old city sa Israel nadiskubre

5,000 year old city sa Israel nadiskubre

NADISKUBRE ng mga archaeologist ang isang 5,000-year-old city at isang 7,000 year old religious temple sa northern Israel.

Ayon sa mga eksperto mula Israel Antiquities Authority, ang siyudad ay mailalarawan bilang “Early Bronze Age New York” ng rehiyon na may lawak na 160 acres at kayang umu­kopa ng 6,000 katao.

Sinabi nina Israel Antiquities Authority directors Dr. Ytzhak Paz at Dr. Dina Shalem na dahil sa nasabing dis­covery, magbabago ang ating nalalaman tungkol sa pag­si­simula ng urba­ni­sasyon sa Israel.

Habang nagsasagawa ng excavations sa ilalim ng mga bahay sa siyudad, natagpuan ng mga archaeologists ang isang religious temple.

Puno ito ng mga ebidensiya mula sa iba’t ibang religious rituals kabilang ang isang large stone basin na ginagamit na lagayan ng mga likido, sunog na mga buto ng hayop na maaaring ginamit bilang pang-alay at mga pigura.

Maliban dito, mayroon din nakitang pottery frag­ments, at basalt stone vessels.

Nanini­wala ang ar­chaeo­logists na ang dalaw­ang bukal na nang­gagaling sa area ang naka­pukaw sa a­ten­siyon ng mga tao pat­ungo sa siyu­dad na pina­niniwa­laang namu­hay sa agri­kult­ura at nakipag-trade sa iba’t ibang rehiyon.

About hataw tabloid

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top