Friday , April 26 2024

8 sa 10 Pinoy, pabor sa kampanyang anti-droga ni Digong

IKINATUWA ng Pala­syo na 8 sa 10 adult Pinoy ay pabor sa kam­panya ng administra­syong Duterte kontra illegal drugs, batay sa pinakahuling Social Weather Survey (SWS).

Sa kalatas ay sinabi ni Communications Secre­tary Martin Anda­nar na anomang imbestigasyon kaugnay sa drug war ng administrasyon ay wa­lang epekto sa paniniwala ng mga Pinoy sa klase ng pamumuno ni Pangulong Rodrigo Duterte.

“The majority of the Filipino people continue to rally behind President Rodrigo Roa Duterte’s battle cry against the lethal plague of illegal drugs,” ani Andanar.

Naniniwala si Anda­nar na ang paglalabas ng resulta ng naturang “non-commissioned survey” ay napapanahon at maha­laga dahil binubuhay muli ng oposisyon ang isyu ng drug-related deaths.

“We ask the critics of the President to learn from the results of the survey, engage with the people and embrace the sweeping tide of change that has swept the nation. This is a call to all the opposition to finally stop politicizing this cam­paign, and instead, look at how the anti-drug war has made the people’s lives better,” dagdag niya.

(ROSE NOVENARIO)

 

About Rose Novenario

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *