Friday , April 26 2024

Marco, nakauna na sa pagpapakita ng wetpaks

SUWERTE naman ni Marco Gumabao nataypan siya ng Viva na i-build-up kapalit ni James Reid. Maraming project si James na tila hindi na matutuloy tulad ng Pedro Penduko.

Mapapansin ding maraming actor ang nagpapaligsahan sa pag-display ng abs at wetpack. Kawawa naman ‘yung mga walang lakas ng loob maghubad parang walang patutunguhan ang career.

Balik-bold ngayon ang showbiz kaya punompuno ang mga gymn sa mga nagpapaganda ng katawan. Pero may tanong, lahat ba ng actor na naghuhubad ay lantay na barako or baka may humahalong may berdeng dugo?

Naku dapat salaing mabuti mga applicant. Karamihan kasi mga mukhang  hunk pero lampa pala at girlalo.

Concert ng December Avenue, pinagkaguluhan

DINUMOG ang concert ng December Avenue noong magtanghal sila sa Baliuag, a day after ng 40th birthday ni Baliuag mayor Ferdie Estrella.

Nagkaroon din ng programang Baliuag Got Talent na ginanap sa Baliuag gym.

May mga nag-uwi ng malalaking premyo pagkaraang manalo sa contest. Nagkaroon din ng Bonsai Plant Exhibition sa Baliuag Plaza na kesehodang libo-libo ang presyo. Naging mabili at tinangkilik ng mayayaman sa Baliuag.

Maganda na ang kalye ng Baliuag, nadaraanan na ng mga sasakyang pampubliko, wala ng mga dayuhang nagkalat na nagtitinda sa gitna ng kalye na sinakop na ang buong lugar.

(VIR GONZALES)

About Vir Gonzales

Check Also

Ice Ganda Vic Sotto Ice Seguerra

Ice sobra-sobra ang pagmamahal kay Bossing Vic kaya nagbihis babae 

I-FLEXni Jun Nardo WALANG guests si Ice Seguerra sa concert niyang Videoke Hits na gagawin sa Music Museum sa …

Bunny maganda na ang buhay, anak na may kapansanan nakakuha ng trabaho

HATAWANni Ed de Leon INAMIN ng dating aktres na si Bunny Paras na hanggang ngayon ay hindi …

Richard Gomez

Goma pwedeng maging presidente ng Pilipinas

HATAWANni Ed de Leon SABI nga huli man at magaling naihahabol din. Hindi namin halos …

Maine Mendoza new hair cut Short hair

Maine nadesmaya sa maiksing buhok

MA at PAni Rommel Placente MAIKSI na ang buhok ni Maine Mendoza. Pero nagdesisyon siya na …

Sofia Pablo 18th bday Allen Ansay

Allen big supporter ni Sofia

PUSH NA’YANni Ambet Nabus BONGGA ang 18th birthday o debut ni Sofia Pablo. As a Sparkle …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *