Wednesday , October 16 2019
Breaking News
You are here: Home / Showbiz / Dr. love sa Sogie Bill — Mutual respect ang dapat, respetuhan lang
Dr. love sa Sogie Bill — Mutual respect ang dapat, respetuhan lang

Dr. love sa Sogie Bill — Mutual respect ang dapat, respetuhan lang

NATUWA kami sa mga sagot ni Dr. Love, si Bro. Jun Banaag, noong isang araw na makaharap namin siya kasama ang iba pang anchor persons ng dzMM. Hindi lang kasi radio anchor si Bro. Jun, kabilang din siya sa isang religious community, kaya nga natanong namin siya kung ano ang opinion niya sa isang mainit na issue ngayon, iyong Sogie bill.

Wala akong issue sa mga LGBT, dahil inirerespeto ko naman sila. Iyon ang gusto nilang gawin sa sarili nila, gusto nilang isipin na babae sila, ok lang iyon. Pero dapat mutual respect. Irespeto rin naman nila ang ibang tao na maaaring may ibang pananaw tungkol sa kanila.

Ako marami akong kaibigang LGBT, isa na si Joebert Sucaldito, magkasunod kaming dalawa ng program at ok naman kaming dalawa, sinasabi ko lang sa kanya basta ba hindi niya ako hihipuan eh ‘di ok. Kasi ang kailangan lang naman respeto sa isa’t isa. Matagal na iyan eh, hindi naman natin naging problema, ewan nga lang ngayon kung bakit nagiging issue iyan,” sabi ni Dr. Love.

HATAWAN
ni Ed de Leon

 

About Ed de Leon

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *

*

Scroll To Top