Friday , April 26 2024

Pharmacist, nurse, arestado sex, party drugs kompiskado

NASAKOTE ng mga operatiba ng Philip­pine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang isang lisen­siyadong pharmacist at registered nurse sa  magkasunod na anti-illegal drug operation sa Pasig City  at Quezon City, iniulat kahapon.

Kinilala ni PDEA Director General Aaron Aquino, ang dalawang suspek na sina Juan Carlos Reyes, licensed pharmacist, at Nilo Mani­pon, isang  registered nurse, residente sa Pasig at Quezon City.

Unang nadakip si Reyes, dakong 2:30 am kahapon, 19 Setyembre, sa Room 2212 Pribato Hotel, Pasig City.

Nakompiska kay Reyes, ang isang capsule ng ‘fly high’ na nagka­kahalaga ng P2,500; 6 sachet ng marijuana kush na may timbang na 6 gramo at nagkakahalaga ng P12,000; isang gramo ng marijuana seeds na may halagang P3,000;  20 tableta ng ecstacy na nag­kakahalaga ng P42,000; liquid ecstacy na ang halaga ay P426,000; one Security Bank check  booklet, buy bust money at mga drug para­pher­nalia na may kabuuang halaga na P483,500.

Sumunod na nadakip si Manipon, bandang 4:20 am sa  Kamuning Road, Brgy. Kamuning, QC.

Nasamsam sa kaniya ang 15 gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P102,000;  12 capsule ng fly high na nagka­ka­ha­laga ng P30,000;  5 tableta ng ecstacy na may katum­bas na  halagang P10,000; isang  kotseng Honda BR-V at  drug paraphernalia.

Umaabot sa higit P.6 milyon ang kabuuang  mapanganib na droga ang nasamsam sa dalawang suspek.

Ang mga nadakip ay nakapiit ngayon sa PDEA Headquarters sa NIA Road, Brgy. Pinyahan, QC, habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o Compre­hensive Dangerous Drug Act of 2002.

ni ALMAR DANGUILAN

About Almar Danguilan

Check Also

Christina Frasco love the philippines DoT Tourism

P150-B kita ng PH mula sa 2-M turistang nagpunta sa bansa

UMAABOT na sa mahigit sa 2,000,000 ang pumasok na dayuhan sa ating bansa upang kumita …

SM 100 Days of Caring fishermen 2

Sa Pasay City
SEKTOR NG PANGINGISDA MAS PINALAKAS NG LGU

MISMONG si Pasay City Mayor Emi Calixto – Rubiano ang nanguna upang higit pang palakasin …

electricity meralco

14,016 megawatts power demand sa Luzon grid naitala ng DOE

UMABOT sa 14,016 megawatts ang kasalukuyang power peak demand ng Luzon grid ngayong araw dahil …

‘Diploma mill’ sa Cagayan ipinasisiyasat ni Gatchalian

MAGHAHAIN si Senador Win Gatchalian ng resolusyon upang imbestigahan ng Senado ang mga ulat na …

Money Bagman

Pautang ng mga banko sa maliliit na kompanya dapat segurado – Jinggoy

ISINUSULONG ni Senador Jinggoy Ejercito Estrada ang pagsasabatas ng paglalaan ng mga banko ng 10% …

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *